Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gladys Reyes Kathryn Bernardo

Gladys gustong masampolan ng sampal si Kathryn: Para siyang si Judy Ann 

MASARAP talagang kausap si Gladys Reyes na kung gaano kataray at nakatatakot sa pelikula o telebisyon, kabaligtaran naman sa tunay na buhay. Mabait at very accomodating ang aktres. Kaya nga natanong namin ito sa grand media conference ng Unspoken Letters na pinagbibidahan ni Jhassy Busran kung sinong artista ang gusto niyang sampalin kung sakali.

Walang kagatol-gatol na isinagot ni Gladys si Kathryn Bernardo

Ang dahilan ani Gladys, para itong si Judy Ann Santos na kapareho ng aura.

Parang ang sarap-sarap apihin ni Kathryn Bernardo because nakita mo ‘yung aura niya, para ring nakikita ko si Judy Ann (Santos) na kapag kawawa, kawawa talaga.

“At saka hanga rin ako sa batang ‘yun kung paano humugot ng emosyon.”

Napanood kasi ni Gladys si Kathryn sa isang serye pelikula nito at talaga namang humanga siya sa galing nito.

Anyway, bukod kay Maricel Soriano, pinag-uusapan din ang sampal ni Gladys. Kaya naman may mga kapwa rin siyang artista na nagsasabing wish na masampal ng isang Gladys Reyes. At isa nga rito ang kasama niya sa pelikulang Unspoken Letters, si Jhassy. Na imbes na maiyak ay super proud sa nangyaring pagsampal sa kanya ng misis ni Christopher Roxas.

Natatawa nga si Gladys na malaman na mala-Maricel din siya sa sampalan. 

“Super flattered,” ani Gladys. “At saka nakatutuwa na nakatawid ako sa mga batang henerasyon ngayon, na kilala pa rin nila ako,” dagdag ng magaling na aktres.

At dito pumasok ang pangalan ni Kathryn nang matanong si Gladys kung sinong aktor ang gusto niyang masampolan ng kanyang sampal.  

Anyway, proud si Gladys sa Unspoken Letters dahil maganda ang istorya bukod pa sa marami ang matututunan dito. Isa ang pelikula sa mga hindi napili sa 2023 Metro Manila Film Festival kaya mapapanood na ito sa December 13 sa mga sinehan nationwide.

Kasama rin sa Unspoken Letters bukod kina Jhassy at Gladys sina Simon Ibarra, Matet de Leon, Deborah Sun, Daria Ramirez, MJ Manuel, at Christine Samson, idinirehe nina Gat Alaman, Paolo Bertola, at Andy Andico.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …