Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gladys Reyes Judy Ann Santos

Gladys aayusin concert nila ni Judy Ann

RATED R
ni Rommel Gonzales

PANALO ang idea ni Gladys Reyes na magkaroon sila ng concert ni Judy Ann Santos

“Sa totoo lang, naisip ko na ‘yan,” umpisang sabi ni Gladys. “Noon ko pa pinaplano sana, sana nga movie, sana kung hindi man movie aba eh, why not in a concert nga,” ang excited at tumatawang kuwento ni Gladys. 

Phenomenal ang Mara Clara nilang dalawa na umere mula noong 1992 hanggang 1997. 

“Judy Ann and Gladys in concert, tapos mayroon tayong live band, ‘di ba?

“At ang mga special guest namin si Christophe, si Yohan,” pagtukoy pa niya sa mga anak nila ni Judy Ann.

Panganay na anak nina Gladys at Christopher Roxas si Christophe at panganay na anak naman nina Judy Ann at Ryan Agoncillo si Yohan.

“Kasi gusto ko ring mai-showcase ‘yung talent nina Yohan, Christophe, Lucho, so why not ‘di ba, in one concert kasi puwedeng ‘yung resurrecting the past, ‘yung mga batang 90’s.

“At alalahanin mo, ‘yung mga batang 90’s na mga ka-contemporary namin noon na mga nanonood sa amin sila na ‘yung mga boss, ‘di ba?

“Sila na ‘yung kumbaga mayroon na silang budget, ‘di ba, para makanood. Kasi mga nagtatrabaho na sila.

“Umpisahan muna natin doon kasi matagal pa bago ‘yung pelikula, ‘di ba? Kailangan ayusin ang script, ang ganito, pero bakit hindi [concert],” sinabi pa ni Gladys.

“Kumbaga nakakanta naman… may album nga si Judy Ann, eh.”

May tatlong album noon si Juday,  ang Judy Anne (1998), Bida Ng Buhay Ko (2001), at Musika ng Buhay Ko (2007).

Palaban din naman si Gladys na regular ang post sa kanyang Facebook at Instagram account na kumakanta ng live habang naghu-hula hoop.

Kaya Mara Clara concert,” bulalas pa ni Gladys.

Nasa main cast si Gladys ng Unspoken Letters na bida sa pelikula ang young actress na si Jhassy Busran at ipalalabas sa mga sinehan sa December 13.

Gaganap din sa mahahalagang papel  sina Glydel Mercado, Tonton Gutierrez, Matet de Leon, Simon Ibarra, Daria Ramirez, Deborah Sun, Orlando Sol, John Heindrick, Christine Samson, at MJ Manuel.

Ang Unspoken Letters ay sa panulat at direksiyon ni Gat Alaman na siya ring executive producer ng pelikula, co-director naman niya si Paolo Bertola at associate director si Andy Andico.

Mula ito sa Utmost Creatives Motion Pictures.

Main cast member din si Gladys ng Black Rider ng GMA.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …