ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
HUMANDA na para sa kakaibang adrenaline-pumping experience dahil ang DI GP Southeast Asian Series, ang pinakaabangang drifting competition sa Filipinas ay magaganap sa December 2-3, 2023 sa R33Drift Track, San Simon, Pampanga.
Ang high-octane event na ito ay tiyak na magpapakita sa pinakamagagaling na drifting talent, na maghahatid ng skilled drivers, passionate enthusiasts at thrill-seeking na manonood para sa hindi malilimutang day of speed, precision at excitement.
Ang R33 Drift Track ay laging tahanan ng local car meets at motorsports-related events. Ang kanilang ambag sa automotive culture ay nakatulong sa growth ng community. Sa pagkakataong ito, ang R33 Drift Track ang magiging playground, hindi lang sa pinakamahuhusay na local drifters, ngunit pati na sa international pro drifters mula sa ating mga karatig na bansa.
Ang DI Grand Prix sa R33 Drift Track ang pinakamalaking stage para sa local drifting community upang maipakita ang kanilang mga talento, sa heavy line-up ng pro-drifter competitors sa buong Southeast Asia.
Ang exhilarating na karanasan na ito ang magpapasiklab ng passion sa motorsports enthusiasts para mag-step sa drifting stage rito sa ating bansa.
Hindi dapat palagpasin ang weekend entertainment na ito na mayroong amazing line-up ng mga DJ.
Abangan ang live performances ng Greyhoundz, Ron Henley, Toro, DJ Reiz at Uncle B habang nag-eenjoy sa drifting actions ng event na ito. Hindi lang siksik sa thrilling motorsport actions and live entertainment ito, pero maraming-maraming papremyo ang naghihintay sa publiko na makikiisa rito.
Ang Di GP ay hindi lang isang competition; ito ay pagdiriwang din ng automotive culture at ng spirit ng competition. Ito’y bukas sa publiko na event na may admission fee na P400. Samantalahin ang pagkakataong ito na maging bahagi ng thrilling drifting activity na ito.
Muli, makibahagi sa Dec 2-3, screeching tires and the exhilaration of world-class drifting.