Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kathniel karla estrada

Karla pilit itinatago ang katotohanan

HATAWAN
ni Ed de Leon

ANG maaari lang tumapos sa mga tsismis na split na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ay silang dalawa lamang. Kahit na sabihin pang si Karla Estrada mismo ang nagsabi niyon bakit kasama ba niya ang anak niya maghapon at magdamag para malaman niya ang lahat? Nakaharap ba siya sa pag-uusap nina Daniel at Kathryn? Kaya siguro kung nakapagbigay man ng comment si Karla, naisip niyang wala sa ayos iyon kaya siya nag-deny.

Iyan ay madaling matapos sa pamamagitan ng isang napakaikling statement na, “oo split na kami.” O kaya ay, “hindi kami split at hindi mangyayari iyon.” Pero ang dapat na magsabi niyan ay si Kathryn dahil sinasabi ngang siya ang biktima eh kaya nasa kanya ang desisyon kung ipagpapatuloy pa ang relasyon nila ni Daniel o  hindi na.

Pero mahirap ding gawin ang desisyong iyan para kay Kathryn kasi hindi ba maaapektuhan din kahit na paano ang kanyang popularidad, at ang matindi may makukuha pa ba siyang mas higit kay Daniel?

Sa parte ni Daniel, wala siyang choice eh, siya kasi ang sinasabing nakagawa ng mali natural kailangan niyang suyuin si Kathryn sa abot ng kanyang makakaya dahil kung hindi, lalabas siyang kontrabida at tiyak iyon siya ang pagbabalingan ng KathNiel fans kung mangyayari iyon dehado siya.

Sa nakikita naman namin, no choice sila kung di ituloy ang kanilang relasyon. Una dahil sa kanilang career at ikalawa dahil sa kanilang damdamin na rin. Kung mag-split sila ano kaya ang madarama ni Daniel kung makita niya si Kathryn na may kayakap na ring iba? At ano rin naman ang madarama ni Kathryn kung si Daniel naman ang may kasama ng iba? Masasaktan din naman sila walang duda. Kaya mas magandang talikuran na muna nila ang umiiral na pride dahil kung magkakahiwalay sila ng tuluyan sila rin ang talo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …