Sunday , December 22 2024
Piolo Pascual Mallari

Piolo ikinagalak partnership ng Warner Bros. at Mentorque para sa MMFF entry na Mallari  

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

UNPRECEDENTED ang naganap na partnership ng Hollywood film studio na Warner Bros., at ang Filipino film company na Mentorque Productions para sa inaabangang MMFF 2023 entry na Mallari.

Patunay ito na mahusay ang pagkakagawa ng pelikulang Mallari at may international appeal ito.

Mapapanood sa pelikulang Mallari ang kakaibang pagganap ng bida ritong si Piolo Pascual. Bahagi rin ng cast sina Gloria Diaz, Mylene Dizon, JC Santos, Janella Salvador, at Elisse Joson. 

Nasa cast din sina Ron Angeles, Vangie Labalan, Bart Guingona, Raffy Tejada, Tommy Alejandrino, Angeli Sanoy, Angie Castrence, at Erlinda Villalobos.

Anyway, ang partnership ay inianunsiyo nina Rico Gonzales, Distributor Director ng Warner Bros., Philippines at John Bryan Diamante, Presidente ng Mentorque Productions, nang ganapin ang kanilang formal contract signing last Nov. 25, 2023 sa Chairman’s Lounge ng Okada Manila.

Ang partnership ay sisimulan sa pamamagitan ng paghawak ng Warner Bros., ng theatrical distribution ng Mallari, locally, na unang local mainstream film distribution nila sa bansa. Ang Warner Bros., ay nag-distribute sa pamamagitan ng limited release ng isang indie film, twenty years ago.

Ikinagalak nang husto ni Piolo ang partnership ng Warner Bros., at Mentorque para sa Mallari.

Pahayag ni Piolo, “It’s such a big sigh of relief, initially. Because as what Bryan said, you know, they were really… kumabaga everyday we had to passed all the sequences, they had to checked it and they had to really criticized everything.

“So, when finally, they said yes to it, we were like, ‘Okay, so now, since it’s the firs partnership with a Flipino producer, it will definitely open doors for us,’ Specially for those that want, not just to showcase Philippine cinema here, but also abroad.

“So, it’s not just a welcome change, it is something that we should celebrate as a Filipinos, as well,” sambit ng award-winning actor.

Trailer pa lang ng movie, iba na ang dating kay Piolo.

Aniya, “It actually made me wanna go back to seeing movies in the theaters. It made me feel as if, there’s a chance for cinema, not just Philippine cinema, but cinema in general.

“So, nakakikilig siyempre, hindi ba? But at the same time, the effort that Mentorque and Warner Brothers put-in, to be in this film… ang sarap ng pakiramdam, ang sarap, ang sarap i-savor,” nakangiting sambit ni Piolo.

Sa panig naman ng top honcho ng Mentorque na si Ms. Bryan, ito ang kanyang matipid na ipinahayag, “Because the stars have aligned.” Nagpasalamat din siya sa Warner Bros., sa kanilang partnership.

First time gaganap sa ganitong genre si Piolo at ibang klaseng horror film ang Mallari. 

Makikita sa pelikula ang sakop na tatlong era ng pelikula at ang magaling na transformation ni Piolo sa tatlong katauhan na ginagampanan niya rito.

Ang Mallari ay inspired by true events ng Filipino priest na si Father Juan Severino Mallari mula Pampanga. Dark ang pelikula at sinasabing pumatay si Father Mallari ng 57 katao noong 1816-1826. Nakulong ang sinasabing killer priest nang labing-apat na taon, bago binitay noong 1840.

Pinamahalaan ni Derick Cabrido at mula sa panulat ni Enrico Santos, ang Mallari ay isa sa sampung official entries sa 49th Metro Manila Film Festival (MMFF) na magsisimula sa December 25, 2023. 

Inaasahang magiging isang classic horror movie ang Malllari na magmamarka sa kasaysayan ng showbiz world.

About Nonie Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …