RATED R
ni Rommel Gonzales
IBA na ang panahon ngayon.
Kung noon ay ang kabadingan lamang ang tanggap ng lipunan, ngayon ay pasok na sa banga ang mga lesbian o mga tomboy.
Hindi nga ba at ipinagbunyi ng Pilipinas ang top 10 finish ni Michelle Dee sa katatapos lamang na Miss Universe 2023 sa El Salvador?
At aaminin namin, medyo na-shock kami na ang sexy at magandang Vivamax star na si Angelica Cervantes ay umamin na tatlong taon na siyang may karelasyong babae.
“Work is work. Huwag niyo nang pakialaman. Ito ‘yung gusto ko eh,” pakli niya tungkol sa senaryo na female sexy star siya ng Vivamax pero bisexual.
Nagkaroon na rin kasi ng boyfriend si Angelica dati.
“Napapanood niyo naman ako, riyan na kayo. Pabayaan ninyo ako,” diretsong sinabi pa ni Angelica sa preskon ng ng Haslers na bago niyang Vivamax project.
“Nagpapatunay lang na wala naman sa gender ‘yan. Basta professional ka, magaling ka sa ginagawa mo, walang problema ‘yon.
“Honestly, sa panahon ngayon, dapat maging open na tayo sa ganoon. Kasi kapag bakla, okay lang? Kapag babae, may babaeng dyowa, hindi okay?”
Lahad pa ni Angelica, “Ang babae po kasi, mas open.
“Pero alam ko po, kasunod na itatanong ninyo tungkol sa physical intimacy, hindi po ako roon nagbe-base, na ‘Ano ang gusto mo, ‘yung sa babae o sa lalaki na kiyeme?’
“Ako po, wala. I mean, ang usual follow-up question sa akin, kung ano ang gusto ko.
Mayroon naman silang intimacy ng girlfriend niya.
Pero kung iku-compare, kung sino ang nandiyan, walang difference.
“Basta hindi ako magiging sexual sa isang tao unless mayroon akong nararamdaman emotionally.”
Samantala, plano ni Angelica, na tulad ni Jaclyn Jose na nakilala sa sexy films pero nag-transform sa pagiging isang mahusay at awarded drama actress, ay iwan ang paghuhubad kapag established na siya bilang aktres.
Ang Haslers ay mapapanood sa Vivamax at sa iba-ibang bansa sa buong mundo simula sa Disyembre 8, 2023, ang bagong pelikulang pinagbibidahan ni Angelica.
Nasa cast din sina Denise Esteban, Hershie de Leon, Angelica Cervantes, Quinn Carrillo (na siya ring scriptwriter ng pelikula), Marco Gomez at Calvin Reyes, sa direksiyon ni Jose Abdel Langit.