SA MAAGAP at walang humpay na pagsisikap na labanan ang mga aktibidad ng ilegal na droga, matagumpay na naisagawa ng pulisya ng Central Luzon ang serye ng mga operasyon laban sa droga sa Bataan, Bulacan, at Pampanga nitong 23-24 Nobyembre 2023, na nagresulta sa pagkakakompiska ng mga ipinagbabawal na sangkap na nagkakahalaga ng mahigit P1.8 milyon.
Sa masinsinang dalawang araw na operasyon, nagsagawa ng tatlong magkahiwalay na drug bust ang mga alagad ng batas noong Biyernes (Nov 24) sa Bulacan at Bataan.
Sa Bulacan, dalawang indibidwal ang nahuli na may hawak ng mahigit walong kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana, na nagkakahalagang P963,600.00.
Dagdag rito, naaresto ang dalawang suspek na may humigit-kumulang 80 gramo ng hinihinalang shabu, may karaniwang presyo ng droga na Php P554,000.
Narekober ng mga operatiba ng Balagtas Municipal Police Station ang 2.03 kilo ng tuyong dahon ng marijuana na nasa halagang P243,600.
Sabay-sabay nadiskubre ng Malolos City Drug Enforcement Unit ang anim na kilo ng hinihinalang marijuana na may street value na P720,000
Sa hiwalay na operasyon, nasabat ng mga operatiba ng Balanga City Police Station ang walumpong gramo ng shabu na tinatayang nasa P554,000.
Higit rito, nagsagawa ng anti-illegal drug operation ang Guagua MPS Drug Enforcement Unit sa Betis, Guagua, na nagresulta sa pagkahuli ng isang high-value individual (HVI) na nagbebenta ng droga.
Nakompiska ng mga awtoridad ang hindi kukulangin sa 63.69 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P433,092. (MICKA BAUTISTA)