Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marissa Sanchez

Marissa aarte na lang, ayaw nang kumanta

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

MAGAGANAP sa December 8 sa Samsung Hall ng SM Aura ang sinasabing retirement concert ng kilalang singer-comedian-actress na si Marissa Sanchez.

Nang batiin naming pumayat ito dahil sa paghahanda sa concert, sinabi nitong tinanggal na niya ang “rice” sa kanyang diet.

Gaano katagal ka nang hindi nag-ra-rice?,” balik-tanong namin. “Mga two weeks na,” seryoso nitong sagot.

Ganyan nga po ka-natural ang isang Marissa na makikipag-kulitan at slight na harutan sa kanyang mga bago at lumang boyfriends na makakasama sa show gaya nina Ronnie Liang, Jeffrey Hidalgo, Wilbert Ross, JM de Guzman, at Dingdong Avanzado.

May special portion din dito si mama Ogie Diaz na ikinagulat nga ni Marissa ang husay nitong kumanta.

Retirement show na nga niya ito dahil mas nais niyang mag-focus bilang isang artista. Nagkaka-edad na raw ang boses niya plus seryosong nag-tone down na ang pagka-balahura niya dahil bukod sa nagda-dalaga na ang kanyang anak ay naiba na ang ilang prinsipyo niya sa relihiyon at moralidad.

‘Yun oh!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …