BIBILIB ka naman talaga kay Michelle Dee dahil kahit hindi na siya magsalita pa sa kung anumang sinapit niya sa katatapos lang na MIss Universe, maraming mga tao na ang gumagawa niyon para sa kanya.
Tanggalin na natin ang hukbong Pinoy dahil siyempre super bias na tayo for her, pero para sa iba’t ibang nationalities at mga kilalang celebrities ang magbigay ng kanilang pahayag in her favor, mapapa-wow ka na lang talaga.
She is indeed the most popular candidate in this edition and perhaps will continue to be one dahil hindi nagsisinungaling ang mga video at footage na nagpapakita ng kanyang ganda, husay, talino, personalidad, at iba pang naka-pakete sa kanya bilang isang tunay na Reyna.
Pinakabongga na sigurong celebrity na nagsabing higit pa dapat sa top ten placement ang inabot ni Michelle ay si Ronan Farrow.
Hello isang award-winning journalist lang naman siya at Pulitzer Prize winner dahil sa mga expose niya ng sexual harassment/abuse sa Hollywood. Anak siya ng mga kilalang Hollywood celeb na sina Mia Farrow at Woody Allen.
Marami pang iba from all over the globe na mahihilig sa beaucon ang nagpapahayag na na-rob nga si Michelle ng top placement sa ngayo’y sobrang kontrobersiyal na Ms. Universe.
Basta, sure na sure kaming bibigyan ng pang-reynang homecoming si Michelle pag-uwi nito.