Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Glitter Entertainment

Glitter Entertainment Chatter Show ni Direk Perry Escaño, magsisimula na sa December 3  

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IPINAHAYAG ni Direk Perry Escaño ang ilan sa dapat asahan sa kanilang bagong online showbiz talk show na Glitter Entertainment Chatter Show.

Mapapanood ito every Sunday at ang pilot show nila ay sa December 3, 2023, 4 to 5:30 pm, with special guest artist Ms. Ara Mina and showbiz Guru Ms. Aster Amoyo. Maaaring mapanood ang replays sa Glitter Channel on Youtube.

Naggagandahan ang hosts nito na ang main host ay ang Star Magic artist, MYX VJ host, and former 2019 Mutya ng Pilipinas winner Aya Fernandez, Gleam artists and Net25 Star Kada singer, actress, host Sofi Fermazi, kasama ang actress, model, host na si Nicky Gilbert, at Celyn David. Co-hosts dito ang NET25 Star Center artists na sina Bo Bautista, Miyuki De Leon, at Via Lorica – dubbed as the newest faces to watch out for in the Philippine entertainment talk show industry.

Ang mga talented na young artists ay member ng NET25 Star Center Management Batch 1, with actors Eric Quizon and Ara Mina bilang kanilang mentors.

Sa pagsisimula nina Fermazi, Gilbert, Bautista, David, De Leon, at Lorica sa kanilang exciting journey bilang host na ibinigay sa kanila ng Gleam Artists Management at NET25 Star Center Management, the future looks brighter than ever for these young stars as new hosts.

Nabanggit ni Direk Perry na nagsimula raw silang magkaroon ng idea sa show na ito sa Glitter Channel sa Facebook page nito, na nakita nilang malakas ang reach ng Glitter channel nila.

Kuwento niya, “So, iyong mga article about sa celebrity weddings, about sa mga trends sa showbiz ngayon, kung ano iyong mga latest na kailangang i-tackle sa news o ano iyong stories na bago.

“Kaya nag-decide iyong friend ko na, ‘Bakit hindi natin gawan ng show ito?’ Kasi ang tagal na sa Philippine entertainment na wala tayong talk show every week, nawala na. Mayroon tayo lagi, pero parang one on one na content lang lagi with a famous host.

“So I think itong Glitter Channel ang magandang platform, na kahit paano ay makatulong din tayo sa mga kapwa artist na mai-promote nila ang mga bagong movies nila at projects.”

Idinagdag pa ni Direk Perry na magkakaroon sila ng weekly guest na showbiz reporter na magde-deliver ng news sa showbiz.

Eslika pa niya, “Sa pilot episode natin, babalikan natin kung ano ba iyong mga nangyari noong 60’s, babalikan natin iyong Top-5, kung ano ang pinaka-maingay na intriga noon. Noong 70’s, 80’s… like kung ano nga ba ang nangyari noong time ni Julie Vega, iyong story niyon. Para maging aware lang iyong mga Gen-Z natin na, ‘Ay eto pala, ganito pala ka-grabe ang mga news dati sa entertainment natin’.

“So iyon po ang Glitter po na nagsimula sa Facebook at sa YouTube namin.”

Pabirong pahabol pa ni Direk Perry, “Aminin nating lahat, ang mga Pinoy po ay talagang sobrang matsismis po, hahaha!”

Ayon naman kay Ara, “Natutuwa ako, kasi may potential talaga ang mga batang ito, we want talaga, ang NET25 na matuto silang mag-host, kumanta, sumayaw, mag-act, katulad ng ginawa naming training sa That’s Entertainment before.

“As you can see naman, marami pa rin ang mga artistang nasa industry pa rin na galing sa That’s Entertainment. Kasi, iba talaga ang training ni Kuya Germs (German Moreno) at daily iyon… Kaya walang taga That’s na hindi marunog sumayaw, lahat marunong sumayaw, hindi ba? Walang taga-That’s na hindi marunong kumanta, lahat nakakakanta,lahat iyon ay dumaan sa training talaga,” pahayag pa ng magandang aktres.

Ang Glitter Entertainment Chatter Show ay produced ng Glitter Channel and sponsored by Qizia Cafe Resto Marikina. Ito ay created and directed by actor-turned-director Perry Escaño.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …