Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ynna Asistio

Ynna matagumpay na negosyante at Youtuber

RATED R
ni Rommel Gonzales

SA ngayon, bukod sa pagiging aktres ay Youtuber din si Ynna Asistio, with her Behind The Scenes With Ynna.

Naging guest sa pilot episode nito ang ina niyang si Nadia Montenegro (My Momma’s Journey), sumunod ang kay Jennica Garcia (Mother, Rising Back Up), at sa episode 3 naman ay si Jamey Santiago-Manual (A Multifaceted Mother).

Si Jamey ay asawa ng StarStruck Season 4 Avenger na si Jan Manual at isang TV host, aktres sa 700 Club Asia at Pastora sa Lifegiver Elliptical.


Sa episode 4 (Fearless Mother) ay si Erin Ocampo ang guest ni Ynna. Si Erin ang ina ng anak ng singer na si Michael Pangilinan.

Si Denice Sy sa episode 5 na may pamagat na A Mother’s Heart.


Si Denice ang utak sa likod ng mga beauty brands tulad ng Ever Bilena, Spotlight, Hello Glow, Careline at marami pang iba. Siya rin ang Chief Sales & Marketing Officer ng Ever Bilena, ang nangungunang local cosmetics company sa Pilipinas.

Sa episode 6 (Instant Mom) ay si Nonah Pla na kilala rin bilang Nonah Designs ang special guest. Cousin-in-law ni Ynna si Nonah na isang professional web designer at nakilala bilang unang Pilipinang Shopify expert sa larangan ng web design.

Panauhin naman ni Ynna si Gee Canlas, isang aktres at komedyana na misis ni Archie Alemania sa episode 7, Mom’s Second Chance.

Nitong nakaraang Sabado, Nobyembre 18, sa episode na Shoe Momma ay guest ni Ynna si Kara Reyes, may-ari ng Kara Zapatos, isang local shoe shop sa Marikina.

Si Ynna ay isa ring businesswoman. May dalawang negosyo, ang isa ay tungkol sa mga alahas at ang isa naman ay konektado sa pagkain.

Pero paglilinaw niya, hindi siya ang may-ari ng Radiant Lux Jewelry business.

“I’m the PR & Marketing of Radiant Lux,” wika ni Ynna. Co-owner naman siya ng Meats & Deli Cafe By Rockwell sa The Grove sa Ortigas, Pasig City.

Lahad ni Ynna, “The owners are my sister si Chef Alyana Asistio, tapos co-owners sina Jay Adevoso a family friend, si Alex Calleja the comedian and Yana’s close friend and ako po.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …