Saturday , November 2 2024
MTRCB PCO-FOI

MTRCB pinarangalan ng PCO-FOI

GINAWARAN ng Presidential Communications Office – Freedom of Information Program (PCO-FOI) ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng natatanging karangalan noong Martes, ika-21 ng Nobyembre 2023, bilang pagkilala sa Board sa pagtalima nito sa aktibong pagsulong ng transparensi at pananagutan sa pamahalaan.

Ito ang ikatlong beses na tumanggap ng parangal ang MTRCB mula sa PCO-FOI. Naging 1st runner-up ang MTRCB noong 2020 at 2nd runner-up noong 2021. Ang patuloy na pagkilala ng PCO-FOI sa MTRCB ay nagpapatunay sa dedikasyon ng borad na isulong ang “access to information” at responsableng panonood at paggamit ng media.

“Ang MTRCB ay taos-pusong nagpapasalamat sa parangal na ito mula sa Presidential Communications Office – Freedom of Information Program,” sabi ni Lala Sotto, Chairperson ng MTRCB. “Ito ay testimonya ng aming patuloy na bokasyon tungo sa transparensi at pananagutan, mga adbokasiya na bahagi ng aming masugid na misyon.”

Sa pamamagitan ng Responsableng Panonood (RP) Information Campaign, layon ng Board na bigyan ng kaalaman at kakayahan ang mga manonood na gamitin ang MTRCB Ratings System para maging mapanuri at responsableng makapamili ng mga panooring makabuluhan.

About hataw tabloid

Check Also

David Charlton Davids Salon

David Charlton pumanaw na

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKIKIRAMAY din kami sa pagyao ni sir David Charlton, founder at CEO …

Kim Chiu

Kim Chiu bagong calendar girl ng Tanduay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MUKHANG si Kim Chiu nga ang sinasabing bagong calendar girl ng Tanduay Rhum …

John Wayne Sace Vilma Santos

Vilmanians nalungkot sa krimeng kinasangkutan ni John Wayne Sace

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NALULUNGKOT ang mga kapwa Vilmanian na nagkuwento sa amin hinggil sa kinakaharap na …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …