(ni Almar Danguilan)
UMAKYAT na sa 9 katao ang namatay sa tumamang 6.8 magnitude na lindol sa Mindanao.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang dito ang isang ina at 7-anyos niyang anak sa Glan, Sarangani.
Isa ang namatay nang mahulugan ng bakal ganoon din ang isang babaeng tinamaan ng debris sa isang mall, at isang mag-partner ang nabagsakan ng bumigay na pader sa General Santos City.
Sa Davao Occidental, nabagsakan ng malaking bato ang isang matandang lalaki sa kanilang bahay.
Batay sa tala ng NDRRMC, nasa 15 ang sugatan habang 12,900 katao ang naapektohan ng mga nasirang gusali, at pagkawala ng koryente.
Aabot sa 800 bahay ang nasira, 118 ang eskuwelahan, gusali, at government facilities.
Nakapaghatid na ang pamahalaan ng P11.6 milyong halaga ng tulong.