Friday , December 6 2024
Krystall Herbal Oil dried lips Nagbitak na labi

Krystall Herbal oil solusyon sa nanunuyo at nagbibitak  na labi dahil sa dry cold weather at lipstick

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

         Ako po si Myra Pabengga, 36 years old, isang saleslady sa isang malaking mall sa Las Piñas City.

         Sa pagpasok po ng taglamig, lagi kong nararanasan ang tila panunuyo ng aking labi, at kapag nagto-toothbrush ako, nararamdaman ko ang hapdi. Lalo pa itong pinatindi ng paglalagay ng lipstick. Hindi naman puwedeng hindi mag-lipstick kasi required po ito sa trabaho namin bilang saleslady.

         Iba’t ibang klase ng lip balm na ang nagamit ko para rito pero nagtutuloy-tuloy pa rin ang pagbibitak.

Kaya pinayohan ako ng nanay ko na subukan ang Krystall Herbal Oil. Sabi niya, after ko mag-wash at mag-toothbrush sa gabi, linisin maigi ang labi saka dampi-dampian ng Krystall Herbal Oil.

         Dahil subok ko nang magaling ang Krystall Herbal Oil, sinunod ko ang payo ni mader. Sa unang dampi pa lang naobserbahan ko na hindi nagtagal sa labi ang herbal oil, mabilis itong natuyo, na ang ibig sabihin ay naabsorb ng aking balat. Kaya ang ginawa ko, muli kong dinampian, ay talagang ina-absorb ng skin ang oil. Tapos nararamdaman ko nawala ‘yung parang binabanat ang skin sa labi. Nang matuyo, dinampian ko ulit. Bale tatlong beses kong dinampian, hanggang makatulog na ako.

         Kinaumagahan, damang-dama ko ang epekto ng Krystall Herbal Oil sa aking labi kasi hindi na masakit at wala na ang feeling nababanat na skin. Saka paghawak ko sa lips, malambot na ang texture, hindi na magaspang.

         Pagpasok ko sa work, hindi muna ako nag-lipstick, nagdampi ulit ako ng Krsytall Herbal Oil. Pag bungad ko pa lang sa work, marami ang nakatingin sa akin, sabi nila, parang may kakaiba raw. Ang tanong naman ng isang co-worker ko, anong shade daw ng lipstick ang gamit ko, para raw kasing natural. Napatawa tuloy ako nang mahina at nasabi ko sa sarili ko, “kung alam n’yo lang, wala akong lipstick he he he.”

         Ngayon po ay almost two weeks nang Krystall Herbal Oil ang gamit ko at napakalaking bagay kasi bukod sa hindi na mapipinsala ang labi ko, ramdam ko pa na tinatanggal nito ang mga dead skin dulot ng panunuyo.

         Maraming salamat Sis Fely dahil napatunayan ko na ang Krystall Herbal Oil ay hindi lang para sa kagalingang pangkalusugan, tumutulong din sa pagmamantina ng aking natural na ganda. Chos! Hahaha!

         Muli, maraming salamat po.

MYRA PABENGGA

Las Piñas City

P A A L A L A

MAGKAKAROON  po tayo ng libreng seminar sa darating na 23 Nobyembre 2023, araw ng Huwebes, gaganapin sa Farmers Plaza, Cubao branch, matatagpuan sa 4th floor. Magsisimula ang seminar dakong 1:00 pm hanggang 5:00 pm ng hapon.

Para sa karagdagang katanungan, maaari po kayong tumawag sa Telepono #8995-8451 o mag txt sa cp#09152972308/09183622306.

About hataw tabloid

Check Also

San Pascual, Batangas

San Pascual, Batangas mayoralty candidate Bantugon-Magboo, Ipinadidiskalipika sa Comelec

PINASASAGOT ng Commission on Elections (COMELEC) 2nd Division si San Pascual, Batangas mayoralty candidate Arlene …

BingoPlusTinta Print Conference FEAT

BingoPlus supports the UPMG at Tinta Print Media Conference

BingoPlus, your digital entertainment platform in the country, provided a substantial amount of support to …

Sara Duterte 2nd impeachment Makabayan Bloc

2nd impeachment vs Sara inihain sa Kamara

ni GERRY BALDO INIHAIN sa Kamara de Representantes kahapon ang pangalawang impeachment complaint laban kay …

Sarah Discaya

Pasaring ni Mayor Vico sinagot ni Ate Sarah para sa Pasigueños
“12 DAYS OF XMAS” FREE CONCERT, AYUDANG TULOY-TULOY, 5-KILO RICE KADA PAMILYA BILANG PAMASKONG HANDOG“

“TWELVE Days of Christmas” free concert at tuloy-tuloy na ayuda sa maralitang Pasigueños ang naging …

Quendy Fernandez Swim BIMP-EAGA

Fernandez, bagong sirena ng aquatics sa BIMP-EAGA

Puerto Princesa City – Humakot ng tatlong ginto si Quendy Fernandez para pangunahan ang arangkada …