PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
PINAG-UUSAPAN ngayon si Kazel Kinouchi, dating lumalabas sa mga teleserye ng ABS-CBN at nasa GMA 7 Sparkle na ngayon.
Nag-viral kasi ang fotos nito na kasama si Richard Gutierrez at mga anak nito noong Halloween sa isang lugar sa Makati City.
Ito tuloy ngayon ang bina-bash at pinagdududahang bagong babae umano ni Richard.
Sabi pa ng mga netizen, pina-follow pa naman daw ni Sarah Lahbati si Kazel kaya’t nakakasukang ma-involve ito if ever sa isyu ng mag-asawa.
Sa bilis mag-conclude ng mga netizen sa mga ganyang pangyayari, hindi na talaga dapat nagsasawalang-kibo na lang ang mga gaya ni Kazel dahil nalalagay sa nega at pangit ang imahe nila.
Sana naman ay nagkakamali nga ang mga nagbibintang, ‘di ba mareng Maricris?
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com