Monday , December 23 2024
National Children’s Month Bulacan

Sa National Children’s Month
Kamalayan, karapatan, at kagalingan ng mga bata sa Bulacan itinataas

LUNGSOD NG MALOLOS – Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Children’s Month (NCM) ngayong Nobyembre, itinampok ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan ang pagsasagawa ng mga gawaing magtataas sa kamalayan hinggil sa karapatan ng mga bata sa probinsiya.

May temang “Healthy, nourished, sheltered: Ensuring the right to life for all!” naghanda muli ng iba’t ibang aktibidad ang PSWDO sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng Council for the Welfare of Children at Office of the President National Youth Commission.

               Kabilang sa mga aktibidad sa buong buwan na selebrasyon ang “Ngiti Mo, Sagot Namin” Free Harelip and Clef Palate Operation for the Bulakenyos Year 20 na gaganapin sa Baliwag District Hospital sa 1 Disyembre para sa post operation, Social Media Campaign sa pamamagitan ng paggamit ng 2023 NCM photo frame sa Facebook, Instagram, at X bilang profile picture, BluekadaBiyernes Campaign na humihimok sa mga Bulakenyong magsuot ng kulay asul na kasuotan tuwing Biyernes ng Nobyembre upang ipakita ang suporta para sa isang buwang selebrasyon, gayondin, ang makunan ng larawan at mai-post at mai-tag o mabanggit ang Council for the Welfare of Children Facebook Page at PSWDO Bulacan at pagkatapos ay gamitin ang hashtag na #BlueKadaBiyernes sa caption sa social media.

Tinatawagan ang mga tagapagtaguyod ng karapatan ng mga bata na gawing kulay asul ang social media kaugnay ng pagdiriwang ng kasiyahan, kainosentehan at potensiyal ng mga bata.

Dagdag rito, hinihiling na bigkasin ang “Panatang Makabata” at maging bahagi ng 31st NCM at tuwing lingguhang pagtataas ng watawat.

Gaganapin ang Pass-A-Book Project na nag-iimbita ng donor ng academic textbooks para sa English, Science, Filipino, Math at History mula Kinder hanggang Grade 12 gayondin ang Literary textbooks (story books), Encyclopedia, Almanac, Dictionary at mga materyales sa pag-aaral tulad ng kuwaderno, pad paper, plastic envelope na may hawakan, at lapis.

Hinihikayat ni Gob. Daniel R. Fernando ang mga Bulakenyong magulang at tagapag-alaga na gampanan ang kanilang mga responsibilidad sa apat na pangunahing karapatan ng mga bata kabilang ang kaligtasan ng buhay, pag-unlad, proteksiyon at pakikilahok.

“We should cover a child’s right to live and be provided with basic needs including food, shelter and appropriate living conditions, medical care, education, leisure, access to cultural activities, information, and freedom of opinion, conscience, and religion,” anang gobernador.

Sabay-sabay na isasagawa ang mga espesyal na pagdiriwang para sa mga bata sa mga lungsod/munisipalidad/barangay at sa unang linggo ng Nobyembre ay para sa kaligtasan ng buhay (survival), ikalawang lingo para sa karapatan sa pag-unlad (development rights), at sa ikaapat na linggo ang pag-obserba sa Juvenile Justice and Welfare Consciousness Week.

Magsasagawa ng pagpili ng kinatawan ng probinsiya sa Regional Children’s Congress sa 21 Nobyembre habang gaganapin ang Regional Children’s Congress sa SM City Pampanga sa 24 Nobyembre, Provincial Children’s Month Celebration sa Hiyas ng Bulacan Convention Center sa 25 Nobyembre kung saan magkakaroon ng State of Children’s Address (SOCA), Orientation on RA 10821 – “Children’s Emergency Relief and Protection Act”, Basic Sign Language to ECCD Service Providers at Comprehensive Emergency Program for Children at Brief Orientation sa mga tungkulin at responsibilidad ng Child Representative.

Samantala, sinabi ng PSWDO, tuwing Huwebes ng Nobyembre gaganapin ang NCM Radio Advocacy, ang nasabing buwanang aktibidad para sa karapatan ng mga bata ay ihahayag sa pamamagitan ng FB Live sa Radyo Kapitolyo ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng PPAO. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …