Monday , December 23 2024
Mexico Pampanga

Pampanga mayor 30 araw kalaboso

IPINAG-UTOS ng House Committee on Dangerous Drugs kahapon, 15 Nobyembre, ang detensiyon kay dating Mexico, Pampanga Mayor Teddy Tumang ng 30 araw matapos ma-contempt dahil sa paglabag sa mga panuntunan ng panel.

Si Tumang, ibinandera ng komite, dahil sa umano’y paglabas ng mga detalye ng isang executive session na idinaos kaugnay sa imbestigasyon ng panel sa ilegal na droga.

Ang mga executive session ay karaniwang hindi nilalayong talakayin sa publiko. “To be consistent and fair with the others who were also cited for contempt for similar violations of our rules, may I move that we [rin] cite former Mayor Tumang for contempt,” ani Antipolo Rep. Romeo Acop sa pagdinig.

Inaprobahan ng chairman ng komite na si Robert Ace Barbers ang mosyon at si Tumang ay ikukulong sa lugar ng House of Representatives. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …