Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulacan Police PNP

Drug dealers, lawbreakers, arestado sa Bulacan

SA SUNOD-SUNOD na operasyon ng pulisya na isinagawa ng Bulacan PNP, humantong sa pagkahuli sa mga indibidwal na sangkot sa mga paglabag sa batas kamakalawa at hanggang kahapon ng umaga.

Batay sa mga ulat na isinumite kay P/Col. Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang anti-illegal drug operation ng Balagtas MPS sa Brgy. Wawa, Balagtas, ay nagresulta sa pagkakahuli sa dalawang drug suspects.

Nakompiska sa mga suspek ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu, may timbang na limang gramo, at tinatayang nasa P34,000 batay sa Standard Drug Price (SDP) at marked money.

Gayondin, apat pang drug dealer ang naaresto sa serye ng drug sting operations ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng CSJDM, Pulilan, San Miguel, at Meycauayan C/MPS.

Nakompiska ang kabuuang 28 sachets ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P35,800 ang SDP,  at marked money.

Dinala sa Bulacan Provincial Forensic Unit (PFU) ang mga nakompiskang ebidensiya sa Bulacan Provincial Forensic Unit (PFU) para sa kaukulang pagsusuri, habang ang mga reklamong kriminal para sa mga paglabag sa RA 9165 laban sa mga suspek ay inihahanda para sa pagsasampa sa korte.

Samantala, sa lungsod ng Baliwag, inihain ang warrant of arrest na humantong sa pagkakahuli sa isang 43-anyos lalaki, nakalista bilang no. 4 Municipal Level MWP ng San Miguel, Bulacan.

Dinakip ng tracker team mula sa 2nd Platoon, 2nd PMFC, at Baliwag City PS sa bisa ng warrant na may kinalaman sa paglabag sa Sec. 5 Art II ng RA 9165, walang inirekomendang piyansa.

Higit pa rito, ang masigasig na operasyon para matunton ang mga wanted na kriminal ng 2nd PMFC, Sta. Maria, Pandi, Angat, Hagonoy, Balagtas, Plaridel at CSJDM C/MPS ay matagumpay na naaresto ang 13 indibidwal na pinaghahanap dahil sa iba’t ibang krimen at paglabag sa batas.

Ang operasyon ito ay ipinatupad sa bisa ng mga warrant na inisyu mula sa korte at ang lahat ng naarestong akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng arresting unit o estasyon para sa kaukulang disposisyon.

Matatag at walang pag-aalinlangan na sinusuportahan ng Bulacan PNP ang mga inisyatiba at patakaran ni RD, PRO3 PBGeneral Jose S. Hidalgo, Jr., gaya ng ipinakitang determinadong pagsisikap na labanan ang krimen, patuloy na pagtugis sa mga indibidwal na lumabag sa batas, at matatag na pangako sa kampanya laban sa droga. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …