Thursday , December 5 2024
Aiko Melendez 10,500 residente QC

10,500 residente nakinabang sa financial assistance na naibaba ni Konsi Aiko

UMABOT na sa 10,500 residente ng Quezon City ang napagkalooban ng financial assistance na naibaba sa pamamagitan ni Councilor Aiko Melendez.

Bukod sa financial assistance, nakapagbaba rin katumbas ng P20-M medical assistance sa pamamagitan ng guarantee letters si Aiko na kamakailan ay ginawaran ng National Outstanding Humanitarian and Leadership Service. Kasama niya sa mga pinarangalan si Quezon City Mayor Joy Belmonte na kinilala bilang National Outstanding Mayor of the Philippines ng Saludo Excellence Award.

Sinabi ni Melendez na ito ay naging posible dahil sa makabuluhang pakikipag-ugnayan sa mga mambabatas at sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pangunguna ni Sec. Rex Gatchalian.

Ayon sa kanya, nakatanggap ng ayudang P1,000 to P2,000 ang kanyang mga kadistrito sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis o AICS ng DSWD simula nang maupo siya bilang konsehal ng ikalimang distrito. Nauna nang nagsilbi bilang konsehal ng Quezon City si Aiko noong 2001 hanggang 2010.

Ang AICS ay diretsong tulong na ipinagkakaloob ng DSWD sa mga Filipinong humaharap sa krisis. Ang layunin natin ay matiyak na walang mamamayan ang maiiwan, at kami ay patuloy na magsusumikap para mas marami pang maabot ng proramang ito mula sa Lungsod ng Quezon,” sabi ni Aiko.

Sa harap ng patuloy na pag-usbong ng krisis at pangangailangan ng mga mamamayan, sinabi ni Aiko na patuloy siyang magsusumikap upang maging boses ng mga nangangailangan at magkaroon ng positibong pag-asa sa buhay ng mga taga-Quezon City.

Kabilang sa mga mambabatas na nagbaba ng pondo sa ikalimang distrito sa pamamagitan ng DSWD ay sina Sen.  Bong Go, Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, Sen. Grace Poe, Sen. Lito Lapid, Sen. Robin Padilla, at Sen. Joel Villanueva.

Nagpasalamat si Aiko sa tulong ng mga mambabatas at ng DSWD na pinakinabangan ng may 10,500 residente mula sa ikalimang distrito.

Ako’y nagpapasalamat na naging daan ang aming tanggapan upang itong tulong mula sa national government at sa ating mga mambabatas ay maibaba sa ating mga kadistrito na humaharap sa kahirapan at pagsubok sa kanilang buhay,” sabi pa ni Aiko.

Nangako pa ang aktres/politiko na patuloy siyang makikipag-ugnayan sa lahat ng sector na maaring magkaloob ng tulong para sa mamamayan ng Quezon City.

About hataw tabloid

Check Also

Arjo Atayde

Arjo malaki tsansang makasungkit ng tropeo sa MMFF Gabi ng Parangal

RATED Rni Rommel Gonzales MATAGUMPAY na aktor at congressman ng 1st District ng Quezon City …

Moon Su-In Noreen Divina Skinlandia Rams David 

Moon Su-In bagong endorser ng Skinlandia

RATED Rni Rommel Gonzales BONGGA ang Skinlandia ni Madam Noreen Divina dahil ang pinakabago nilang celebrity endorser ay ang …

Jimmy Bondoc

Jimmy Bondoc ikakasal sa 2025

MATABILni John Fontanilla TULOY-TULOY na nga ang pagpasok sa mundo ng politika ng mahusay na …

Richard Gutierrez Daniel Padilla Baron Geisler Incognito

Richard  mapapasabak aktingan kina Daniel at Baron

MATABILni John Fontanilla KAKAIBANG Richard  Gutierrez daw ang mapapanood sa Incognito kompara sa mga proyektong nagawa na niya. Hindi …

Richard Gutierrez Incognito

Richard pressured sa Incognito

MA at PAni Rommel Placente AMINADO si Richard Gutierrez, isa sa bida sa pinakabagong action-series ng  …