Thursday , January 9 2025
Denise Esteban Japino Vince Rillon Angela Morena

Denise Esteban, gumanap na OFW na TNT sa Japan sa pelikulang Japino  

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ISANG OFW na TNT sa Japan ang role ni Denise Esteban sa pelikulang Japino. Tampok din dito sina Vince Rillon, Angela Morena, at Ali Asistio. 

Ngayong Nobyembre, inihahandog ng Vivamax ang Japino na maglalahad ng kuwento ng dalawang Pinay na nakikipagsapalaran sa tinaguriang Land of the Rising Sun. Ang pelikula ay mula sa direksiyon ni Freidric Macapagal Cortez, at Brillante Mendoza bilang Creative Producer.

Si Denise ay si Aki, isa ring dancer sa bar. Malakas ang dating at gagawin ang lahat para yumaman at gumanda ang buhay. Wala sa plano niya ang mabuntis, kaya nang mangyari ito, inisip niya agad na ipalaglag ang bata kahit mahal na mahal siya ng kanyang nobyo na si Taka.

Nagkuwento pa si Denise hinggil sa kanilang pelikula.

Aniya, “Ako po rito si Aki, boyfriend ko rito si Vince (Taka), na parang hinahanap namin kung paano kami makakatawid para sa future namin, lalo na at mahirap ang trabaho namin.

“Kumbaga, ipapakita rito iyong story namin ni Vince at story nina Ate Angela at Ali.”

Nagbago ba ang pananaw niya sa mga OFW nang ginawa niya ang pelikulang Japino?

Esplika ni Denise, “Ako po, sobrang ano… alam ko naman na po before yung buhay ng mga OFW since ang lolo ko ay nag-work po sa ibang bansa.

“Pero nakita ko po talaga ang hirap ng mga kapwa natin Filipino na nagtatrabaho sa ibang bansa. Lalo na iyong mga OFWs na nag-aalaga ng mga bata sa ibang bansa. Kasi, naaalagaan nila ang mga bata na anak ng amo nila, pero iyong mga anak nila mismo sa Pilipinas ay hindi nila maalagaan.

“Kaya alam ko talaga kung ano iyong hirap na nararamdaman nila sa ibang bansa, lalo na iyong pag-alis nila sa kanilang pamilya and nakikita ko rin po… medyo nakikita ko rin po sa social media na iyong ibang mga tao, parang inaano nila na kapag nasa ibang bansa, ‘Ay maraming pera iyan, kasi nagwo-work iyan sa ibang bansa’.”

Pagpapatuloy pa ng aktres, “Doon ko po nakita talaga na hindi porke’t nagtatrabaho sa ibang bansa (ay maraming pera)… Nandoon pa rin ang hirap at saka ang papgpupursige nila sa buhay para sa kanilang pamilya.”

Nabanggit din ng aktres ang maiinit na eksena nila rito ni Vince.

“Marami rin po akong love scene rito, so expected na po na madaming pa-sexy, hehehe. Mayroon po kaming love scene ni Vince rito, kasi boyfriend ko po siya sa movie.”

May ilangan pa ba sa kanila ni Vince sa mga ginawa nilang love scenes rito?

“Okay naman pong katrabaho si Vince kasi naka-work ko na rin po siya sa movie na Kaliwaan before, and magtropa po kami kaya komportable na kami sa isa’t isa,” nakangiting sambit pa ni Denise.

Mapapanood ang Japino sa Vivamax simula November 10, 2023.  Para i-stream ito, punta na sa web.vivamax.net.  Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, App Store, at Huawei App Gallery.

Samantala, bukod sa Japino, ang isa pang pelikulang aabangan sa aktres ay may tentative na title na Haslers. Ang mga kapwa ni Denise na VMX Bellas na sina Quinn Carrillo, Angelica Cervantes, at Hershie de Leon ang bumubuo ng movie.

Ang pelikula ay prodyus ng 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo at mula sa pamamahala ni Direk Jose Abdel Langit.

Kuwento sa amin ni Denise, “Iyong Haslers po ay kuwento ng apat na magkakaibigan, sina Hazel, Cheska, Thea, at Sofia. Pare-parehas po silang mahihirap dito, so kailangan nilang humasel para may pang-aral.

“Si Hazel po rito pusher siya, si Thea may sugar daddy, si Cheska naman ay isang topless maid and si Sofia po nagwo-work na waitress sa maliit na restaurant.”

Wika pa ng aktres, “Ako po rito si Sofia, ako yung galing sa mahirap na pamilya.Si Quinn po rito si Hazel, siya po yung pusher ng drugs. Si Hershie po si Thea, yung proud na may sugar daddy and si Angelica po si Cheska, yung topless maid.”

About Nonie Nicasio

Check Also

Sam SV Verzosa Quiapo Nazareno

Sam Versoza 16 taon nang namamanata sa Nazareno, miyembro ng Hijos del Nazareno

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KONGRESISTA o simpleng tao, patuloy pa rin ang pamamanata sa …

Jimmy Bondoc

Jimmy Bondoc, sumabak na rin sa politika

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAHALAGANG taon at malaki ang magiging pagbabago ng 2025 sa singer, lawyer, …

MMFF 50

Kontrobersiya sa MMFF 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAYA naman ‘yung mga traydor na hanggang ngayon ay naglilinis-linisan sa …

Vilma Santos Ed de Leon

Ate Vi dinalaw puntod ni Kuya Ed de Leon

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAG-IISA ka talaga ate Vi, ang ating minamahal na Star For …

Cristy Fermin Darryl Yap The Rapists of Pepsi Paloma

Cristy kinuwestiyon si direk Darryl Yap; respeto sa kapwa iginiit

KONTRA si Cristy Fermin sa pagsasapelikula ni Darryl Yap ng The Rapists of Pepsi Paloma. Ang dahilan, tila gusto raw …