DINAKIP ngmga tauhan ng Bulacan PPO ang 10 hinihanalang drug peddlers, limang wanted persons, at tatlong law offenders sa iba’t ibang operasyon na isinagawa nitong Miyerkoles, 7 Nobyembre.
Ayon sa ulat na isinumite kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, magkakahiwalay na buybust operations ang isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng San Jose Del Monte, Meycauayan, Angat, Pandi, Plaridel, at Obando C/MPS, kung saan nasakote ang sampung 10 indibiduwal na nagbebenta ng droga.
Nasamsam sa operasyon ang 36 plastic sachets ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakalahalaga ng P65,571.00, iba’t ibang drug paraphernalia, at buybust money.
Dinala sa Bulacan Provincial Forensic Unit (PFU) ang mga nakompiskang ebidensiya para sa kaukulang pagsusuri habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 na isasampa sa korte laban sa suspek.
Samantala, naaresto ng tracker team ng 2nd Provincial Mobile Force Company, Norzagaray, San Jose Del Monte, Calumpit, at Balagtas C/MPS ang limang wanted na na indibiduwal sa iba’t ibang kaso.
Kinilala ang mga arestadong suspek na sina Jocelyn Chavaria, kasong Light Threats (RPC Art. 285) sa Sitio Hulo, Brgy. Caysio, Sta. Maria: Rolly Berces, Attempted Homicide sa Brgy. Minuyan, Norzagaray; Dexter Belleza, Violence Against Women and their Children (RA 9262) sa Brgy. San Rafael V, San Jose Del Monte; Rusco Madla, paglabag sa Bouncing Check Law (BP 22) sa Brgy. Balungao, Calumpit; at Ogie Polintan, Reckless Imprudence Resulting in Less Serious Physical Injuries and Damage to Property sa Brgy. Santol, Balagtas.
Kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng kanilang arresting unit/station ang mga suspek para sa tamang disposisyon.
Gayondin, dinakip ng mga tauhan ng Marilao at Baliwag M/CPS ang tatlong indibiduwal nang magresponde sa iba’t ibang insidente ng krimen.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas Waldo at alyas Anko na dinakip sa kasong Robbery sa San Lucas St., Rio Vista Subdivision, Brgy. Sabang, lungsod ng Baliwag; at alyas Anthony na arestado sa kasong pagnanakaw sa Looban I, Brgy. Loma de Gato, Marilao.
Ayon kay PRO3 Regional Director P/BGen. Jose Hidalgo, Jr., nasa mandato niya at ng pulisya ng Bulacan ang walang patid na opensiba laban sa ilegal na droga, walang humpay na pagtugis sa mga drug personality, wanted na mga kriminal, at mahusay na solusyon laban sa krimen. (MICKA BAUTISTA)