Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rey Coloma awards C and Triple A

Mga ulirang personalidad at grupo, pararangalan!

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PARARANGALAN ng Hollywood Asia Diamond Elite Prize at Pacific Global Human Excellence Awards ang mahihirang na ulirang personalidad at grupo sa susunod na taon, 16 at 23 Marso 2024. Kapwa ito gaganapin sa Heritage Hotel, Manila.

Ilan sa mga nominado ang mga sumusunod: Sec. Christina G. Fransco, Police General Benjamin C. Acorda, Jr., Ms. Nora Aunor, GMA 7 News, GMA Family Feud, Vice Ganda, Catriona Gray, Bretman Rock, Toni Fowler, Small Laude, Joel Cruz, Rosmar, Senyora, Vrix Gallano, Gameboys, Martin Del Rosario, BIGO Philippines. Iñigo Pascual, Team Kasaludo, Cherin Maruji, C & Triple A Trending Manufacturing Inc., Cristilyn Coloma, Constancio Pasis, Wilson Seno, Precious Cejo, Engr. Sheena O. Mecaydo, Marwin Archie B. Millare, Capinpin Family, Engr. Wilbert Reyes, Dr. Dexter M. Ariscayo, Evelyn Quintua, Antonell L. Albano, at Lovely Angel Remoquin.

Nagmula sa iba’t ibang sektor dito sa Filipinas ang mga nominado. Sila ay bibigyang parangal batay sa kanilang mga achievement, na napapanahon lamang bilang pagkilala sa kanilang mga naging ambag sa lipunan.

Ang nasabing mga prestihiyosong parangal ay inorganisa ng Arise and Build Charity Group. Ito ay grupo ng mga young professionals na sumusuporta sa mga nasa marginalized sectors. Isa rin itong voluntarily fund-raising event na ang mga dadalo ay maaaring magbigay ng anomang donasyon at ang malilikom na pondo ay ibibigay na tulong sa mga nasa marginalized sector sa Pampanga.

Sa mga gustong mag-nominate, maaari ninyong ipadala ang inyong mga nominasyon, kalakip ng kanilang mga achievements/Curriculum Vitae sa [email protected] at [email protected].

Maaari rin bisitahin ang kanilang facebook page na Hollywood Asia Diamond Elite Prize at ng Pacific Global Excellence Awards.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …