ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
ANG Multi-awarded actor at isa sa main cast ng top rated afternoon soap opera ng GMA 7 na Abot-Kamay Na Pangarap na si Allen Dizon ay hinirang as brand ambassador ng Smart Access Philippines.
Nalaman din namin sa naturang event na si Allen ay gagawa ng mainstream movie early next year, katambal si Carmina Villaroel na screen partner ng aktor sa Abot Kamay. Ang pelikula ay sa Australia isu-shooting.
Anyway, ang Smart Access ay isang international consultancy na nagbibigay ng comprehensive migration solution sa Australia. Ito ay perfect na destination para sa migration at visa needs ng lahat. Ang experienced team of experts na grupong ito ay nagpo-provide ng reliable and efficient services para makatulong na ma-achieve ninoman ang successful, stress-free international study and journey, mula pa noong 2014.
Ang Smart Access ay mayroong four branches worldwide – sa Australia, Nepal, Pakistan,
at Philippines. Ipagdiriwang nila ang 10th year in the business sa first quarter of next year. Ang Philippines branch ay na-launch noong March 27, 2023 at last August ay nagbukas sila ng branch sa Pampanga.
Ang Smart Access Philippines ay pag-aari ng two migrant lawyers mula Australia. Isang Nepalist na si Bibhusan Joshi at ang Filipino na si Reyvi Mariñas. Ito ay affiliate ng De Guzman, San Diego, Hernandez, Mejia (GSHM) law firm, na isa sa pinakamahusay sa bansa.
Ang contract signing ay ginanap sa kanilang tanggapan sa Trident Tower, Makati. Present sa naturang launching sina Bibhusan, founder and director of Smart Access at kasama rito ang country manager na si Stephanie Lasig.
Sinabi ni Mr. Joshi sa media kung bakit nila pinili si Allen as ambassador ng kanilang kompanya.
Aniya, “We are proud of his achievements as multi-
awarded actor, winning almost 50 acting awards locally and internationally.
“For being a good example of a great family man who advocates the importance of education to his children. Allen’s life is a success story – from a simple and dreaming “probinsiyano” turned-respected actor and businessman. Just like his teleserye’s title “Abot-Kamay Ang Pangarap”, that as long as you have dreams and determination, success will come to you.”
Ito naman ang pahayag ni Allen, “Thank you sa pagkuha sa akin ni Mr. Bibhusan Joshi bilang brand ambassador ng Smart Access Philippines. Masaya ako, it’s a blessing for me… nagpapasalamat ako sa tiwalang ibinigay nila sa akin, thank you so much.”
Ang iba pang kaabang-abang na pelikula ni Allen ay ang “Ligalig” with National Artist Nora Aunor, directed by Topel Lee; “Abenida” directed by Louie Ignacio, na nanalo si Allen ng Best Actor award; “Pamilya Sa Dilim” with Laurice Guillen, Sunshine Cruz and Teri Malvar, directed by Jay Altarejos; at ang action packed na “Off-Load” directed by Rommel Ricafort. Ginagawa rin ni Allen ngayon ang horror family drama “Poon” with Janice de Belen, Ronaldo Valdez, Gina Pareno, at iba pa, at ang “Acetylene Love” with Cannes Best Actress Jaclyn Jose.