Saturday , April 19 2025
Chinese national, shabu buking sa food delivery

Chinese national, shabu buking sa food delivery

NABISTO ang isang Chinese national na shabu ang tinanggap nitong food parcel na kanyang ipina-deliver nitong Sabado ng gabi sa Pasay City.

Kinilala ni Pasay City police chief P/Col. Mario Mayames, ang suspek na si Peng Cheng, nakatira sa Nasdake Bldg., sa Williams St., Barangay 33 sa nasabing lungsod.

Base sa ulat ng pulisya, dumating sa naturang lugar ang isang rider na kinilalang si Alberto Bonita, Jr., dala ang food parcel ng suspek dakong 8:30 pm.

Tinanggap ng lady guard na si April Joy Manglicmot, 24 anyos, nakatalaga sa naturang gusali.

Nang busisiin ng lady guard ang parcel ay nakita ang dalawang piraso ng sachet na naglalaman ng halos dalawang gramo ng hinihinalang shabu at paraphernalia na may katumbas na halagang P13,600.

Nakuha rin ang isang resealable plastic na naglalaman ng limang pirasong aluminum strip, isa sa sinabing paraphernalia sa paghithit ng shabu.

Sa ngayon, ay inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 laban kay Cheng. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Tour of Luzon The Great Revival a complete package

Tour of Luzon ‘The Great Revival’ a complete package

Ang Tour of Luzon a complete package ng isang multi-stage race sa pagbabalik ng kilalang …

Philippine Aquatics Inc PAI Water Polo

PH Youth squads sasalang sa Malaysia Water Polo tilt

ANG Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ay bumuo ng 30-man Philippine Junior Teams (lalaki at babae) …

PVL Rookie Draft 2025

Matapos ang Makapigil-hiningang Finals, PVL tumutok sa Rookie Draft Mode

KAMAKAILAN lang mula sa kapana-panabik na pagtatapos ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Finals …

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …