Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Benz Sangalang Angeli Khang Jojo Veloso

Benz Sangalang, obsessed kay Angeli Khang!

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

FIRST time magkakatmbal ang dalawa sa pambato ni Jojo Veloso, sina Benz Sangalang at Angeli Khang. Ito’y via the movie Salakab mula sa pamamahala ni Direk Roman Perez, Jr., at mapapanood very soon sa Vivamax.

Matindi raw ang love scenes dito nina Benz at Angeli at maraming aabangang nakakikiliting eksena sa dalawa.

Inusisa namin si Benz kung ano ang role niya sa movie?

“Ang role ko po sa pelikulang Salakab ay isang mangingisda,” matipid na sagot ng aktor.

Ayon kay Benz, masasabi niyang kung pagiging daring ang pag-uusapan, ito ang pinakamatinding movie na nagawa niya.

Aniya, “Ito na po siguro ang pinaka-daring sa lahat ng nagawa kong movie, kasi seven ang love scenes ko rito. Bale sa iba-iba pong lugar iyon, mayroon sa batuhan at sa kuweba…”

Mag-asawa ba sila rito ni Angeli? “Magsyota po kami sa movie ni Angeli.”

Ano ang masasabi niya kay Angeli, palaban ba ang sexy actress sa kanilang love scenes dito? “Opo palaban po si Angeli rito sa movie pagdating sa mga love scene, kaya dapat nilang abangan ang movie na ito,” esplika ni Benz.

Aminado si Benz, obsessed daw siya rito kay Angeli.

Kuwento ng sexy actor, “Opo obsessed ako rito kay Angeli, nabaliw ako sa kanya sa sobrang pagmamahal ko kay Angeli. Kasi kumbaga po, first love ko po kasi si Angeli, kaya tinamaan ako nang matinding love sa kanya sa movie na ito.”

Sa amin pang huntahan ni Benz, nabanggit niyang bugbog ang katawan niya ngayon sa gym, dahil kailangan niyang pagandahin nang todo ang kanyang katawan.

Bukod kasi sa pelikulang Salakab, malapit na ang shooting ng pelikulang Totoy Mola 2 na pagbibidahan ni Benz. Inaasahang magmamarka nang todo rito ang guwapitong hunk actor at ito ang magiging biggest movie ni Benz sa pagpasok ng year 2024.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …