HARD TALK
ni Pilar Mateo
ALAM kong sa ilang musicals, narinig ko na siya. Pero siyempre, ‘di naman kagyat na napapansin.
Kahit pa minsan pala eh, nakapareha na niya ang ‘di rin matatawaran ang tinig sa awitang si Ciara Sotto.
Kaya, sa papaparinig niya ng ilang piyesa
sa Five Dining Restaurant ni Paolo Bustamante eh alam naming maglu-look forward kami na mapanood siya sa solo concert niya sa Music Museum sa November 11, 2023 na ididirehe ni Floy Quintos.
Saan nanggaling itong si Poppert Bernadas? At kahit sa kursong kinuha sa Kolehiyo eh, wala namang kinalaman ang musika.
Isa pa, para siya maging iskolar at walang gastusin sa UP, naging abala siya na maging atleta sa Badminton na kumakatawan sa ilang paligsahan here and abroad.
Ang pamilya niya, alam that he can carry a tune. Kaya nga quotang-quota siya sa kurot at pingot kapag tumatanggi siyang sumali.
Meant to be siguro ‘yung mag-audition siya nang magpatawag si Maestro Ryan Cayabyab sa UP.
Napili siya. Kasi, naiiba ang tunog niya. Nagtaka pa kung bakit siya ang pinili. Nakatikim tuloy siya kay Maestro ng sagot na ‘di niya inasahan.
Iba nga ang tunog niya, eh.
Kakambal ng nanay niya ang nagbigay ng ngalanh Poppert sa kanya. At hiniling ng ina, hanggang sa huling sandali ng buhay nito na huwag niyang papalitan.
Isa siya sa dalawang alaga ng talent management ni Ogie Alcasid sa kanyang A-List. Si Lara Maige‘yung isa.
Bakit ko aabangan at gugustuhing mapanood ang Who Put The Pop In Poppert?
Aba eh, babanat daw ng mga kanta, take note ni Shirley Bassey. Magti-Tom Jones din. At babali kay George Michael.
Nagustuhan ko na ang version niya ng Somewhere Over The Rainbow.
Kinakalimutan muna ni Poppert ang lovelife sa ngayon. Gusto niyang mag-focus sa career para siya naman ang magpatuloy sa pagpapa-aral sa kanyanh mga pamangkin, na ginawa ng mga kapatid niya sa kanya.
Paano ka namang hindi bibilib sa talento nito?
Nang ire-record niya ang kanta niyang Bitaw at nagkaroon ng aberya sa dapat eh, ka-dueto niya, may anghel na sumalo at siya pa ang nag-offer na siya na lang ang kunin ni Poppert.
Nag-um-attitude ba ang kausap na niya na singer din? Nang tawagan na niya ito para mag-record na sila, aba ang ibinigay na rason eh, hindi pa raw niya napag-aaralan ang kanta.
Abala ‘di ba?
Kaya nang maikuwento ni Poppert ‘yun over dinner sa bahay nina Ogie, at ng butihing maybahay nito na si Regine (Velasquez), napanganga na lang siya at ‘di malaman ang gagawin nang sabihin ng songbird na siya na lang ang makikipag-dueto sa kanya sa nasabing kanta.
O, saan ka pa? ‘La na! WaLa nang kawala at wala nang magagawa kundi ang umoo.
Okay, watch na natin siya. Kahit pa may mga labas na siya sa mga tele-
serye, masarap na naman ang kakaiba rin niyang maiaambag sa mundo ng musika.
POP! Goes POPpert!