Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bernadette Sembrano Julia Montes Coco Martin

Julia kay Coco — ibinigay siya noong lost ako

MA at PA
ni Rommel Placente

SA panayam ni Bernadette Sembrano-Aguinaldo kay Julia Montes, tinanong ng una ang huli  kung ano ang mas gusto nitong  maging karelasyon sana,  kung non-showbiz o katulad din niya na isang artista?

Ang sagot ni Julia, “I’m the type of person na kung ano ‘yung ibinigay sa akin ni Lord, naniniwala ako, ibinigay siya sa akin. Si Coco kasi, nagkataon noong time na lost ako as a person, siya ‘yung nag-guide sa akin, eh. Siya ‘yung answered prayer ko na noong mga time na, ‘Anong gagawin ko?’ Lost. ‘Di ko alam kung ano-ano.

“Tapos ipinakita lang niya sa akin na siya rin, been through all hardships. Tapos basta keep the faith and Nazanere devotee sila ni Lola.

“So, parang na-realize ko lang, ‘Oo nga, ‘no, basta huwag ka lang gi-give up and keep the faith. ‘Yun ‘yung isa sa pinagpi-pray ko na in-answer ni Lord through Coco,” esplika pa niya.

Paglilinaw ng aktres, hindi naman sa ipinagdadamot nila ni Coco ang kanilang relasyon sa publiko, mas pinahahalagahan lang nila ang kanilang privacy.

Ang sa amin, mas importante lang sa amin ngayon ‘yung privacy. Si Coco kasi, hindi showbiz, eh, ever since, hindi.

“Kung ano siya as Rodel (Nacianceno, totoong pangalan ni Coco) ‘yun din siya as ngayon, as Coco,”sey pa ng Kapamilya actress.

So, parang ‘yung private life, mas prefer ko lang talagang balato na. Balato na sa akin,” pakiusap pa niya.

Ayon naman kay Bernadette, kitang-kita naman ang kabutihan ng puso ni Coco na agad namang sinang-ayunan ni Julia, “Yes, kasi ang core niya rin, ganoon po, eh, family, generous siyang tao.

“Tapos hindi rin naman siya laki sa yaman. Kaya talagang lahat ng mayroon siyang opportunity, blessing ngayon, kaya siya ganoon mag-give back.

More than anything, hindi lang siya, parang ang tawag kasi ng ibang tao, ‘Hmp, ma-showbiz naman.’ Hindi, eh. Talagang iba ang private life,” sey pa ni Julia.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …