Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dimples Romana Gud Morning Kapatid

Dimples excited maghatid balita sa Gud Morning Kapatid

HARD TALK
ni Pilar Mateo

THAT ICONIC “maleta.”

Na naging tatak na ng isang Dimples Romana sa isang teleseryeng sinubaybayan siya.

Bitbit niya ito sa pagpasok niya bilang bagong co-host ng mga namulatawan ng tagabigay ng balita sa show na pinangungunahan ni Ms. Chiqui Roa-Puno. Kasama sina Jester delos Santos at Justin Quirino. At ng bago ring kasama na si Maoui David.

Sa pagsalubong ng media kay Dimples sa TV5, naibulalas nito na talagang may dalang suwerte sa kanya ang bitbit niyang maleta. Na tila naglalaman ng sari-saring oportunidad sa pag-ikot buhay niya.

Pero itong pagkakasama niya ngayon sa Gud Morning Kapatid na napapanood kada 9:00 a.m. ay isang welcome treat sa kanya.

Pinangarap naman pala ni Dimples noong bata pa siya na maupo sa harap ng camera at maging tagahatid ng mga balita.

Dahil sa pag-aaral niya sa isang pampublikong paaralan, nahasa ang kaalaman niya sa pagsulat kaya nga naging mahusay na siya sa paggamit ng salitang Ingles.  Sa salita man at sa panulat.

Habang hindi pa siya nakauuwi, nakababad siya sa eskuwelahan nila at laking pasasalamat sa kanyang gurong naggabay  at sa mga patnugot sa kailangang sulatin.

Kaya ngayon, magagamit niyang lubusan ang mga natutunan na niyang gawin noon. Na tila nasa loob nga lang ng kanyang maleta na kailangan niyang bulatlatin.

Welcome na welcome si Dimples sa kanyang bagong pamilya pero mananatili siya na isang Kapamilya. Pero pwede naman siyang lumipad at umalagwa sa iba’t ibang network, depende sa proyekto at kontrata.

May niluluto na nga raw na teleserye sa papasok na taon na matutunghayan. At nakalinya na rin ang pelikula.

All-in-one source of entertainment, information at inspiration ang naturang programang tiyak na magpapaganda sa ating bawat umaga, mula Lunes hanggang Biyernes.

Pagdating sa mga bagay na pwedeng talakayin ni Dimples sa programa, siguradong magbabahagi ito hindi lang sa smart parenting at tungkol sa happy life niya as a happy wife.  Engrossed din kasi si Dimples sa pagdidisenyo ng bahay. Na sinimulan niya sa mga ini-invest nila ng kanyang Papa Boyet sa buhay nila. 

Siguradong marami pang pasabog mula sa kanyang iconic maleta si Dimples. Na manggugulat sa bawat gud morning natin.

Tutukan na, Kapatid! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …