Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Darren Espanto Cassy Legaspi Vilma Santos Christopher de Leon

Darren at Cassy umamin na

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

NOSTALGIC sa akin ang balik-tambalan nina Ms Vilma Santos at Christopher de Leon na talaga namang tumatabo sa takilya noon. Hindi talaga malilimutan ng mga moviegoer noon ang mga pelikula nina Vi at Boyet noon na tumatatak sa mga tao ang mga linya na binibitawan nila sa bawat pelikulang pinagtatambalan nila.

Sa upcoming 2023 Metro Manila Film Festival sa December 25 ay masuwerte silang napili among the 10 contenders. Ngayon pa lang ay kinasasabikan na ng mga moviegoer ang When I Met You In Tokyo, ang titulo ng movie nila Vilma at Christopher. 

Tapos kasama rin sa movie sina Darren at Cassy Legaspi na noon pa man ay marami na ang nagsasabi na may relasyon ang dalawa although hindi pa sila umaamin. Basta more than friends ang relasyon nila. 

Ano kaya iyon? Nakakaloka ‘di ba? 

Kasama rin sa movie ang best friend ni Ate Vi na si Lyn Cruz at ang asawa nitong si Tirso Cruz III

Kahit pala may edad na ay nagkakagustuhan pa rin pala lalo na sina Ate Vi at Boyet na parehong OFW sa Japan.

Dumalaw pala sa set ng When I Met You In Tokyo ang OWWA Administrator na si Arnell Ignacio. Sa edad nina Ate Vi at Boyet manghang -mangha si Arnel sa galing ng dalawa kung paano gampanan ang role nila kahit walang dialogue. 

Ayaw ikuwento ni Arnel ang nasaksihan niya at teary eye ang mama sa nasaksihan niya. Kaya balak ni Arnell na ipanood ito sa mga OFW natin sa iba’t ibang parte ng mundo para maging ehemplo ng pelikulang When I Met You in Tokyo sa mga OFW natin.

Ang maganda pa sa pelikulang ito ay hindi lang artista sina Ate Vi at Boyet kundi tumulong din sila sa production ng movie para lalo mapaganda ang pelikula. Kaya ‘wag ninyong kalimutan ang When I Met You In Tokyo sa December, ang balik tambalan nina Vilma at Christopher.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …