Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ram Castillo Merly Peregrino

Ram Castillo ‘apektado’ sa pagkanta ng Naghihintay

HARD TALK
ni Pilar Mateo

TATLONG beses nag-crack ang boses niya. Parang magbi-break down. 

Habang inaawit ang magpapa-alagwa sa kanya sa career niya bilang isang mang-aawit ngayon. Ang Naghihintay.

Naiiyak na siya. Kasi, hindi nakaluwas ang mga magulang niyang nasa Zamboanga para saksihan ang launching niya. Courtesy of his manager now na si Mommy Merly Peregrino.

Magbe-break down na. Kaya noong mabaling ang tingin niya sa lugar namin, sinenyasan ko siya to continue singing. And shouted, the show must go on.

Pinahid ang luha. Tumuloy sa pagkanta. At pagkatapos ng launching, pakikipagsaya sa naanyayahang members ng media, laking pasasalamat naman ang narinig ko sa kanya. Sa pagsalba sa nangyari na tatandaan na niya sa lahat ng pagkakataon.

Sumali sa WCOPA (World Championship of Performing Arts) sa Amerika si Ram Castillo. Nagwagi sa maraming kategorya. Latin. Opera.

At nag-krus ang landas nila ni Mommy Merly. Na may hugot sa isang dating alagang unang kumanta ng Naghihintay. Bumitaw ito kay Mommy Merly.

Dumalo sa launching ni Ram ang gumawa ng kanta na DJ sa Barangay LS-97.1 na si Papa Obet. Hindi naiwasang tanungin ito at pagkomparahin ang dalawang kumanta ng kanyang piyesa.

Umamin si Papa Obet na maraming bali sa unang singer sa ginawa niyang kanta dahil nakialam ang engineer doon. Pero rito kay Ram, sinabi rin naman niya na there’s still room for improvement para lalo pang mas maging marubdob ang mga darating pang kanta kay Ram.

Muntik na rin palang sukuan ni Mommy Merly si Ram. Kasi nga, ang kanyang supporters na mga miyembro ng T.A.K. (Team Abot Kamay) ay hindi agad mapaniwalang karapat-dapat pa ring suportahan si Ram.

It was a big challenge for Ram. Na roon pa lang sa contract signing (5 years) nila ni Mommy Merly eh, nangako na na hindi na iiyak ang manager.

Kumbaga sa hakbang, naka-isa na naman si Ram sa ginanap na launching niya. At sunod-sunod na nga ang schedule ng mga aabangang aktibidades ni Ram sa mga gig at show na sasalangan niya.

Sa November 16, 2023, si Ram ang special guest sa An Evening with Faith Cuneta sa New Clownz Republik sa Sunshibe Plaza in Quezon Avenue.

By December, ihahatid na rin ang kanyang Christmas song. At hanggang March 2024 ay may booking na ito sa iba’t ibang shows.

Kaya thankful si Ram at naniniwalang kung ukol ay bubukol ang mga biyaya sa kanyang buhay. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …