Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sipat Mat Vicencio

Si Sara ginigiba; si Imee tuwang-tuwa

SIPAT
ni Mat Vicencio

SI House Speaker Martin ‘Tambaloslos’ Romualdez lang ba ang makikinabang kung tuluyang ‘magigiba’ si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa plano nitong pagtakbo bilang pangulo sa darating na 2028 presidential elections?

Siyempre hindi, dahil bukod kay ‘Tambaloslos’, maraming tusong politikong nag-aabang at naghahanap ng tamang tiyempo kung dapat na ba silang pumasok sa eksena para makiisa at durugin na rin si Sara.

Parang mga buwitreng nag-aabang kung kaylan uumpisahang lapain si Sara.

At si ‘Tambaloslos’ ang sinasabing patuloy na gumigiba kay Sara dahil na rin sa ambisyon nitong sumunod sa yapak ng kanyang pinsan na si Pangulong Bongbong Marcos.

Nagsimulang bulabugin si Sara nang sibakin ng House leadership ang kanyang bestfriend na si dating Pangulong GMA bilang senior deputy speaker na nagtulak naman para magbitiw bilang Chairperson ng partidong Lakas-CMD.

Nasundan pa ang panggigipit ni ‘Tambaloslos’ kay Sara nang sibakin ang confidential funds ng OVP at DepEd na nagkakahalaga ng P650 million para sa 2024 national budget at ipasa sa mga ahensiyang nangangalaga sa seguridad ng bansa lalo na sa West Philippine Sea.

Hindi pa nakontento, inintriga pa rin si Sara dahil sa insidente ng pagpapatigil umano ng mga sasakyan sa kahabaan ng Commonwealth Avenue dahil daraan ang convoy ng Vice President na nagdulot ng pagkakabuhol-buhol ng trapiko.

Mukhang hindi titigil ang sunod-sunod na banat laban kay Sara at ang tanging tinutumbok na may pakana ay si ‘Tambaloslos’ dahil na rin sa planong pagtakbo nito sa halalang pampanguluhan.

Pero ang hindi alam ng nakararami, bukod kay ‘Tambaloslos’, matamang nagmamasid at nag-aabang lamang si Senator Imee Marcos at tuwang-tuwa sa mga kaganapan dahil sa isa rin ang senadora na makikinabang kung warak-na-warak o ‘na-Binay’ na si Sara.

Kunwaring kakampi ni Sara, pero sa totoo lang, lihim na kaawaay dahil higit na may ambisyon si Imee na pumalit sa trono ng kanyang kapatid na si BBM kung ikukumpara kay ‘Tambaloslos’.

Kaya nga, kailangan mag-ingat at baka isang araw ay biglang tuklawing patalikod na lamang si Sara ni Imee.  Bagsik ng kamandag n’yan tsong!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mat Vicencio

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …