Friday , November 15 2024
Zela

Zela, gustong makilala sa ibang bansa ang talento ng mga Pinoy sa musika

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG Filipino-American singer, songwriter, rapper, at dancer na si Zéla ay ini-release na ang kanyang unang single via AQ Prime Music. Siya ang unang Ppop soloist ng naturang recording company.

Bata pa lang ay nagsusulat na siya ng mga kanta at ang kanyang genre ay mix ng iba’t ibang musical styles.

Ang single niya ay pinamagatang Karma at ito ay isang pop song na naka-focus sa empowerment behind struggle and doubt. Ito ay  nagtataguyod sa anthemic vibe na nagpo-promote ng confidence sa pamamagitan ng pagkakaroon ng paniniwala sa sarili laban sa society’s standard.

Very catchy at danceable ang single ni Zela, kaya masasakyan ito ng marami, lalo na ng mga kabataan.

Naikuwento ni Zela kung paano nagsimula ang career niya sa Amerika.

Aniya, “Nag-start ako as a model, after niyon ay nagsawa ako kasi I love being productive, gusto ko yung marami akong ginagawa palagi. Nag-aaral ako, nagwo-work ako, I do modeling on the side.

“Mas matagal ako as a model. I do fashion modeling, mas gusto ko yung mino-model yung mga clothes ng mga brands and designers, mas gusto ko yung nakukuha ko yung mga designer clothes after that. Ayaw ko talaga ng modeling noong una, kaso nasa lahi na talaga namin ang modeling. Iyong sister ko used to join pageants and doon nag-start.”

Paano naman napunta sa music ang kanyang career?

Esplika ng singer, “Marami talaga sa family namin ang nasa music pero hindi as profession, as a hobby lang.

“Independent artist ako noong nasa USA ako, so I do everything on my own. I produced my own music videos, ako gumagawa ng lyrics ko, and minsan ako na rin yung nagdi-direct. I used to have fan pages and page na for myself lang, tapos ini-release ko yung mga kanta ko before sa lahat ng music platforms pero wala na siya ngayon kasi dinelete ko na.”

Bakasyon lang ang ipinunta niya sa Pinas, pero nauwi ito sa pagkakaroon ng singing career dito.

Aniya, “Nagbabakasyon lang talaga ako rito sa Pilipinas and tinry ko lang and then natanggap naman. So, gusto kong i-pursue and makita kung ano yung mararating ko.

“I’ve been going back and forth kasi I couldn’t stay here long because citizen ako sa USA. Nag du-dual citizen ako.”

Sumabak din pala siya sa acting workshop.

Wika ni Zela, “Nag-start kasi akong mag-acting workshop noong nasa USA ako. So, may na-meet akong mga friends dito sa online and inaabot ako ng 3AM doon sa USA kasi dito naka based yung acting workshop and I love acting kaya pinu-push ko,”

Nabanggit pa ng talented na dalaga na nagdedisyon siyang dito sa bansa ipagpatuloy ang kanyang career sa musika dahil gusto niyang makilala sa ibang bansa ang musikang Pinoy.

Sambit ni Zela, “Mas pinili ko pong magkaroon ng career sa Philippines, kasi po ay gusto ko po talagang makilala sa ibang bansa… kasi I just have this feeling na kaya ko siyang dalhin sa USA, since I’m from there. So madadala ko itong music natin sa ibang bansa.”

Paliwanag pa niya, “Kasi Filipino po ako, so I want to be part of our county and sooner po, dadalhin ko po ang Ppop sa ibang bansa.”

Ano ang naging preparasyon niya sa pagsabak sa music scene?

Pahayag ni Zela, “Nag-training po kami, dumaan po kami sa vocal training, sa dance training, may coach po kami sa vocal training, si Direk Greg.”

Ang idol na local artist ni Zela ay si Sarah Geronimo. Samantalang sa foreign naman ay si Olivia Rodrigo.

Si Zela ay anak ng naging Network General Manager sa PTV 4 na bukod sa producer at host ng show at isa sa Board of Directors ng istasyon, si Ms. Juliet Lacsa o Jet Claveria Lacsa,

About Nonie Nicasio

Check Also

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …

Winnie Cordero Amy Perez

Tita Winnie, Tyang Amy masaya, pressured sa balik-Teleradyo 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAGKAHALONG saya at lungkot ang naramdaman kapwa nina Winnie Cordero at Amy Perez sa …

Andrew Gan

Andrew Gan kinakarir pag-arte sa stage play

RATED Rni Rommel Gonzales TULAD ng ibang guapo at bortang artista na nakakapanayam, tinanong namin …

Jasmine Curtis-Smith John Lloyd Cruz Dahlia Erwna Heussaff Anne Curtis

Jasmine aminadong naiinggit kay Anne na mayroon ng Dahlia

RATED Rni Rommel Gonzales NAITANONG kay Jasmine Curtis-Smith kung ano ang reaksiyon ng boyfriend niyang si Jeff Ortega sa …