Sunday , December 22 2024
Jonathan Manalo

Jonathan Manalo nakopo 22 nominasyon sa 36th Awit Awards 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

DALAWAMPU’T dalawang nominasyonang natanggap ng Kapamilya artist, songwriter, at producer na si Jonathan Manalo sa 36th Awit Awards at ikalimang taon na siyang umaani ng pinakamaraming nominasyon sa prestihiyosong music award-giving body.

Hindi naman ito bago sa ABS-CBN Music creative director dahil bago ito’y nakakuha na siya ng 16 award categories sa Awit Awards noong 2016, 21 categories noong 2018, 22 categories noong 2019, at 26 categories noong 2020.

Ngayong taon, kasama sa kanyang mga nominasyon ang mga ipinrodyus niyang album sa ilalim ng Star Music na pasok sa Album of the Year category: ang self-titled debut album ni Angela Ken at ang BE US album ng grupong BGYO. Siya rin ang producer ng dalawang Record of the Year nominees, ang Lagi ng BINI at Gusto Ko Nang Bumitaw ni Morissette na patuloy na namamayagpag sa TikTok na may mahigit 700 million views ang kanta.

Si Jonathan din ang nagprodyus ng 10 single na nominado sa iba’t ibang kategorya, kasama na ang Best Christmas Recording nominee na Tayo Ang Ligaya Ng Isa’t Isa  na inawit ng iba’t ibang ABS-CBN artists.

Bilang songwriter, nominado rin si Jonathan sa Best Inspirational Recording para sa  It’s Okay Not To Be Okay na inawit ni Angela Ken; Best Alternative Recording para sa  Kwento Ng Alon na collab niya kasama si Kristine Lim; Best Christmas Recording para sa Tayo Ang Ligaya Ng Isa’t Isa kasama si Robert Labayen; at Best Original Soundtrack Recording para sa Lyric & Beat kasama si Jeremy G, at Kahit Na, Kahit Pa kasama naman si Trisha Denise.

Nakatanggap din ng nominasyon mula sa Awit Awards si Jonathan bilang mang-aawit. Kabilang dito ang Best Collaboration at Best Original Soundtrack Recording para sa kantang Lyric & Beat kasama ang Lyric & Beat artists at Best Alternative Recording para sa Kwento Ng Alon na inawit niya kasama si Trisha Denise.

Tinatawag din bilang Mr. Music sa industriya, si Jonathan ay kinilalang National Commission for Culture & the Arts SUDI awardee para sa dekada 2011-2020. Nakapag-prodyus at nakapaglunsad na siya ng mahigit sa 200 albums at umani ng 75 multi-platinum at 100 Gold PARI Certifications. Siya rin ang most streamed Filipino songwriter at record producer of all time na may mahigit na 1.5 billion Spotify streams ng musika na isinulat at ipinrodyus niya.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …