Ibayong paghahanda ang isinasagawa ng pamahalaang lokal at kapulisan ng Santa Maria, Bulacan para sa nalalapit na Undas sa Nobyembre 1.
Sa atas ni Mayor Omeng Ramos ay pinangunahan ni Municipal Administrator Engr. Elmer B. Clemente ang pagpupulong ng mga barangay, pulisya, bureau of fire protection, mdrrmo, municipal health office, traffic management unit, at iba pa na maaaring makatuwang para matiyak ang kaayusan at kapayapaan sa paparating na Undas 2023.
Nakasama din sa pagpupulong ang opisyal ng Kanlungan Columbary, Chapels and Crematory na kalapit ng Santa Maria Public Cemetery kung saan inialok nila ang harapang bahagi ng kanilang compound para pumuwesto sa undas.
Tinalakay din sa pulong at napagkasunduan na ipagbabawal ang pagtitinda sa kahabaan ng kalsada at mga sidewalks sa bisinidad ng Santa Maria Public Cemetery.
Inayos at inilatag naman ng PNP Santa Maria sa pamumuno ni PLt. Colonel Christian Alucod, ang kanilang gagawing mga pagtatalaga ng mga istasyon sa 14 na mga sementeryo sa iba’t-ibang barangay ng Santa Maria.{Micka Bautista}