Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Elsa Droga It’s Showtime

Elsa Droga naapektuhan sa suspensiyon ng It’s Showtime

RATED R
ni Rommel Gonzales

SUMIKAT at nakilala si Elsa Droga bilang grand finalist ng Miss Q and A ng 

It’s Showtime noong 2018 kaya natanong ito sa suspension ng noontime show.

Nakalulungkot po, kasi naging pamilya po namin ang ‘Showtime’ eh so roon po ako nakilala, parang sa akin isa ‘yun sa mga platform na nagpapakilala ng iba’t ibang klase ng tao. Sila ‘yung nagpapakilala sa buong mundo ng mga may potential.

“So noong nalaman ko na suspended ang ‘Showtime’ nakalulungkot. 

“Pero may mga platform po na napapanood pa rin ang ‘Showtime,’ so ang nakadedesmaya lang po sa amin is sana mabigyan ng pagkakataon na maipalabas uli sa television, dahil ang ‘Showtime’ family po is lagi pong nagbibigay ng kasiyahan sa mga taong nalulungkot, sa mga taong depressed.

“Showtime is the best talaga, kaya sana bigyan ng pagkakataon ng MTRCB ulit.”

Simula noong October 14 ay suspendido ang It’s Showtime dahil sa hatol ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na nag-ugat sa pagkain ng icing ng cake nina Vice Ganda at mister nitong si Ion Perez mula sa kanilang mga daliri sa Isip Bata segment noong July 25, 2023.

May contract ba si Elsa sa It’s Showtime?

Ano lang po kami, parang on-call contract lang po, ‘pag kailangan ng Miss Q and A ng mga bakla, minsan nagge-guest po kami.

“‘Yung last time na birthday concert po ni Sir Ogie Alcasid, ipinatawag po ‘yung mga Miss Q and A, kung sino lang po ‘yung kailangan na mga kabaklaan.”

Si Juliana Parizcova Segovia ang itinanghal na Miss Q and A 2018 grand winner at bigo mang maiuwi ang titulo ay wagi naman si Elsa ng special award bilang Beks In Costume.

Kung sakaling gustong kunin ng Eat Bulaga! or   E.A.T si Elsa, puwede ba?

Hindi ko sure eh.

“Itatanong ko muna sa ‘Showtime,’” at tumawa ito. “Wala po akong manager pero if ever naman po siguro papayagan naman po ako, kasi collaboration na po ang GMA at ABS-CBN, puwede naman po siguro.”

Latest project ni Elsa ang Online In Love (Influencers Series) na introducing sa lead roles sina Gab Rosales at Daniel Bautista, kasama sina Jassy Calupitan, Jewel Gines, Marissa Joelle, Pink Rose, at Oreo Libios.

Mapapanood ito sa Nobyembre 2023 sa Youtube at iba pang streaming platforms.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …