Friday , November 15 2024
SJDM Bulacan

23 alkalde sa Bulacan suportado na maging highly urbanized city ang San Jose del Monte

Sa dalawang pahinang manifesto, ang 23 alkalde sa Bulacan ay  nagpahayag ng kanilang suporta para maging highly urbanized city ang San Jose del Monte sa Bulacan.

“Kaming mga halal na Punong Bayan ng iba’t-ibang munisipalidad at siyudad sa Lalawigan ng Bulacan ay nagkakaisa at buong tibay na sumusuporta sa Lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan bilang isang Highly Urbanized City (HUC) sa Lalawigan ng Bulacan,” nakasaad sa manifesto.

Binanggit ng mga local leaders ang Section 452 ng Republic Act No. 7160 o ang Local Government Code of 1991, na isinasaad ang “provides that the cities with a minimum population of 200,000 inhabitants as certified by the Philippine Statistics Authority, and with the latest annual income of at least 50 million based on 1992 constant prices, as certified by the Treasurer, shall be classified as highly-urbanized cities.”

Kabilang sa mga lumagda sa manifesto ay sina Plaridel Mayor Jocell Aimee Vistan-Casaje, Bocaue Mayor Eduardo Villanueva Jr., Angat Mayor Reynante Bautista, Balagtas Mayor Eladio Gonzales Jr., Baliuag Mayor Ferdinand Estrella, Bulacan Mayor Vergel Meneses, Bustos Mayor Francis Albert Juan, Calumpit Mayor Glorime Faustino, Doña Remedios Trinidad Mayor Ronaldo Flores, Guiguinto Mayor Agatha Paula Cruz, Hagonoy Mayor Flordeliza Manlapaz, Norzagaray Mayor Maria Elena Germar, Marilao Mayor Henry Lutao, Malolos Mayor Christian Natividad, Meycauayan Henry Villarica, Pandi Mayor Enrico Roque, Obando Mayor Leonardo Valeda, Paombong Mayor Mary Anne Marcos, Pulilan Mayor Ma. Rosario Ochoa-Montejo, San Ildefonso Mayor Fernando Galvez Jr., San Miguel Mayor Roderick Tiongson, Sta. Maria Mayor Bartolome Ramos, at San Rafael Mayor Mark Cholo Violago.

Itinakda ng Commission on Elections (Comelec) ang plebisito para sa kumbersiyon ng  SJDM bilang highly urbanized city sa Oktubre 30, 2023, kung saan araw na kasabay din ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Lahat ng nakarehistro at kuwalipikadong botante ng Bulacan para sa 2023 BSKE ay maaaring bumoto sa plebisito na magsisimula 7 a.m. hanggang 3 p.m., ayon sa Comelec.

Ipinahayag ng National Printing Office na kabuuang 2,092,147 official ballots ang nilimbag para sa plebisito para sa kumbersiyon ng SJDM.{Micka Bautista}

About Micka Bautista

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …