Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest posas

  Wanted na magnanakaw at isang tulak, nasakote

Sa isinagawang kampanya laban sa krimen ng pulisya sa Bulacan ay naaresto ang isang wanted na magnanakaw at isang tulak kamakalawa.

Sa ulat na ipinadala kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, sa inilatag na manhunt operation ng tracker teams ng Marilao Mujnicipal Police Station {MPS} ay naaresto ang  wanted person na kinilalang si  Domingo Borsong,  37 na may kasong qualified theft sa Brgy. Lambakin, Marilao, sa nabanggit na lalawigan.

Ang pag-aresto kay Borsong ay batay sa inilabas na warrant of arrest ng  RTC Br. 121 Meycauayan City, na may petsang Oktubre 4, 2023.

Samantalang isang pinaghihinalaang tulak ang nadakip sa ikinasang drug sting operation ng Malolos CPS sa Brgy. Niugan, Malolos City. 

Nakumpiska sa suspek ang limang pakete ng plastic ng shabu na may standard drug price na Php 40,800.00, drug paraphernalia, at marked money.{Micka Bautista}

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …