RATED R
ni Rommel Gonzales
EIGHTEEN years old na si Jillian Ward, maganda, sexy, at mahusay kumanta kaya tinanong namin kung may intensiyon ba siyang sumali sa isang beauty pageant tulad ng Binibining Pilipinas o Miss Universe Philippines?
“Well hindi po kasi ako talaga passionate about sa mga beauty pageant, pero ewan ko po, para sa akin po kasi talaga, since baby po ako buong buhay ko po is artista na po talaga ako. So, ito po talaga ‘yung nasa puso ko (artista).
“And music po. Siguro mas makikita niyo po talaga ako sa film industry, siguro po more movies, more shows and siguro po music.
“Mas ipu-pursue ko na po ‘yung talent ko pa po sa music, so ayun.
“Sa beauty pageants po hindi pa po siya pumapasok sa isip ko,” at tumawa si Jillian.
“Hindi naman po sa ayaw pero siguro lang po talaga hindi pa po siya pumapasok sa isip ko.
”Talagang more on doon po ako sa art po ng acting and music.
“Pero hindi po natin alam, in the future.”
Si Jillian ay si Kat na nagiging superhero na si Captain Kitten sa month-long special ng Daig Kayo Ng Lola Ko.
Napapanood tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA Network, kasama rin sina Gabby Eigenmann as Dr. Tom at ang Sparkle stars na sina Archie Alemania as Caloy, Angela Alarcon as Coach Abby, Kim Perez as Marty, at Shuvee Etrata as Feline.
Bata pa lamang si Jillian ay kasama na siya sa cast ng fantasy series na nagsimulang umere sa GMA noong 2017 at si Jillian ay 12 years old pa lamang.
Kaya tinanong namin si Jillian kung ano ang feeling na ngayong 18 na siya ay kasali pa rin siya sa fantasy series?
“Naku, sobrang na-excite po ako lalo po noong fist taping day ko, na-miss ko po talaga ‘yung production team ng ‘Daig Kayo Ng Lola Ko.’
“Kasi naging family ko po sila for ilang years bago po ako nagsimula ulit sa ‘Prima Donnas,’ tapos naging ‘Abot Kamay [Na Pangarap.’
“So sobrang nostalgic po talaga tapos kasi parang naging baby po talaga ako sa kanila kasi ngayon po dalaga na ako.
“Pero alam niyo po parang baby pa rin po ‘yung trato nila sa akin,” at tumawa muli si Jillian.
“So iyon lang po, sobrang na-miss ko po sila and iba po talaga ‘yung feeling, ‘yung kapag matagal niyo pong nakasama tapos naghiwalay kayo tapos balik po again na parang wala pong nangyari na break.”