RATED R
ni Rommel Gonzales
MAY espesyal na anunsiyo mula sa aming mahal na kaibigang si Ms. Arlene Butterworth tungkol sa unveiling ng Carlos L. Albert Bust sa Lunes, October 16, 2023 sa Carlos L. Albert High School sa Brixton Hills sa Quezon City.
Bago ang unveiling ay magkakaroon muna ng Thanksgiving Mass, 6:30 a.m. na susundan ng School Parade of Floats at kasunod na nito ang Unveiling Ceremony.
Ang Bust project na ito ay nagkaroon ng katuparan sa pagtutulungan at coordination ng Carlos L. Albert High School alumni at mga naging guro ng CLAHS na tumulong para makalikom ng kaukulang pondo upang maipagawa ang naturang estatwa.
Ang proyekto ay sinimulan nina Mrs. Leonora Lauigan na isang retiradong Principal at Ms. Milet Alcala, at pinamunuan ni Ms. Arlene ng CLAHS Batch ’79.