Saturday , November 16 2024
Lala Sotto MTRCB

MTRCB, DICT, and Digital Pilipinas nagsanib puwersa upang labanan ang Cybercrime at ipalaganap ang Digital Literacy

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

LUMAGDA sa isang Memorandum of Agreement (MOA) si Lala Sotto, Chairperson ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), kasama ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at Digital Pilipinas (DP) upang gawing opisyal ang pakikipagtulungan ng pamahalaan at pribadong industriya na layuning labanan ang Cybercrime at ipalaganap ang Digital Literacy at Commerce.

Si Kalihim Ivan John Uy, isang abogado, ang lumagda para sa DICT at si Amor Maclang naman ang pumirma para sa DP sa makasaysayang kaganapan noong Lunes, ika-9 ng Oktubre.

“Ang kasikatan ngayon ng online streaming applications at websites, user-generated content at on-demand services ay bumago sa kalakaran ng panonood ng mga Filipino,” sabi ni Sotto.

“Ang mga kabataan ngayon ay may access sa iba’t ibang panoorin at impormasyon online, na maaaring maging mapanganib kung hindi sila mabibigyan ng tamang gabay ng mga nakakatanda o magulang nila,” ani Sotto.  “Kung maiiwang mag-isa ang mga bata sa kanilang mga gadyet, maaari silang ma-expose sa materyal na hindi angkop sa kanilang edad—kabilang dito ang sexual exploitation, grooming, at karahasan.”

Binigyan-diin ng MTRCB Chair ang kahalagahan ng pakikipagtulungan ng DICT at DP.

Aniya: “Ang kolaborasyon natin ay imbitasyon sa lahat ng stakeholders—kasama ang mga magulang, mga titser, mga content creators at technology providers—na sama-samang gumawa ng hakbang tungo sa ligtas, responsable at napapanahong digital future para sa lahat ng Filipino. Sa pamamagitan po ng Digital and Media Literacy, bigyan po natin ang ating mga kababayan ng kaalaman upang maproteksiyonan ang mga bata mula sa kapahamakan. Walang hangganan ang digital world kaya dapat lang na lalo pa nating paigtingin ang ating adbokasiya na proteksiyonan ang mga kabataan.”

Sa ilalim ng MOA, magkakaroon ng komprehensibong istratehiya sa paggamit ng iba’tibang inisyatiba upang labanan ang phishing, text scams at online crime, kasama na rito ang pagpapalaganap ng Responsableng Panonood.

“Sa pamamagitan ng kampanyang ito, mabibigyan ng kakayahan ang mga Filipino na maging ligtas at responsable sa digital world,” dagdag pa ni Sotto.

Saksi sa MOA signing ang dalawang board members ng MTRCB na sina Paulino Cases Jr. at Cesar Pareja (pawang abogado), at DIC

About Nonie Nicasio

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …