Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carla Abellana Beauty Gonzalez Gabby Concepcion

Carla magpapakita ng bangis sa bagong afternoon prime

RATED R
ni Rommel Gonzales

MAGSASAMA-SAMA sa hapon ang mga naglalakihang Kapuso star para sa isang mahiwagang kuwento ngayong Nobyembre.

Tatampok sa mas pinatinding GMA Afternoon Prime ang seryeng Stolen Life na pagbibidahan nina Carla Abellana bilang Lucy, Beauty Gonzalez bilang Farrah, at Gabby Concepcion bilang Darius.

Iikot ang kuwento nito sa agawan ng asawa with a twist. Dahil sa pamamagitan ng astral projection, puwedeng humiwalay ang kaluluwa ng isang tao habang natutulog. Ito rin ang magiging daan ni Farrah para makipagpalit ng katawan at agawin ang masayang buhay ni Lucy.

Ngayon pa lang, naiintriga na ang netizens sa kakaibang istorya nito. Very unique rin ang aktingan ng powerhouse cast dito gaya na lamang ni Carla na ipakikita ang kanyang kontrabida side.

Komento ng ilan sa teaser na ibinahagi ng GMA Network sa Facebook“Kontrabida si Carla? OMG! I like the story. Sino kaya ang totoong bida rito? Kaabang-abang na naman! Kabog ang mga artist! Major plot twist!”

Huwag palampasin ang world premiere ng bigating suspense drama series this November 13 na sa GMA Afternoon Prime!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …