Saturday , March 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kids Toy Kingdom Show

Lego, doll, gamit sa kusina mga laruang klik sa hosts ng kiddie show

RATED R
ni Rommel Gonzales

TUNGKOL sa mga laruan ang show na Kids Toy Kingdom Show kaya tinanong namin ang hosts ng programa kung ano ang laruan na gusto nilang matanggap sa nalalapit na Kapaskuhan?

Ayon kay Cheska Maranan, “Lego po, kasi pangarap ko po talagang magka-Lego noong bata po ako, and naregaluhan na rin po ako ng father ko niyon, parang bini-build niya po ‘yung  bahay or mga character, parang girls or boys or mga aso, kasi mayroon po akong ganoon, iniregalo rin po sa akin ng tita ko.

“Ang gusto ko pong matanggap sa Christmas ‘yung anime na statue, nakalimutan ko na ‘yung name niya eh, ‘yun ‘yung gusto kong matanggap, mga dalawa,” sinabi naman ni Tom LeaÑo:

Manika naman ang isinagot ni Honey Love Johnson. “I like to receive one of those Barbie Doll houses when I was younger, coz they had elevator and actual shower with noises, there was like a kitchen with an oven that has noises and stuff, buttons, I’d always wanted to play with them with my Barbie, but my mom said it’s too expensive, well now I get it.”

Mga laruang gamit sa kusina ang nais ni Sebreenika Santos. “Ang gusto ko naman dati na makuha na toys is ‘yung parang kitchen, ‘yung pinipindot po siya at kapag pinindot po siya tumutunog po siya, at ‘pag binuksan ninyo po siya may naka-plastik na foods, mga plato, mga tubig, at mga ganyan-ganyan.”

Season 2 na ng show na ang direktor ay si Perry Esçaño. Ipinalabas ang pilot nitong September 30 (Sat), 3:00 to 4:00 p.m..

Naging guests sa pilot sina Joaquin Domagoso at actor-singer-dancer John Gabriel.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

The Silent Noise

The Silent Noise Blue Carpet premiere dinumog

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DINAGSA ang star-studded blue carpet celebrity premiere ng bagong seryeng The Silent …

The Age Is Right Eat Bulaga

The Age Is Right ng Eat Bulaga click sa viewers

WALANG masyadong excitement ang bagong segment ng Eat Bulaga na The Age Is Right nang magsimula. Pero habang tumatagal …

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Cecille Bravo Disco Forever D4E

Negosyanteng si Cecille Bravo may pasabog sa dance concert

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng businesswoman, Philanthropist na si Ms Cecille Bravo na pinasok na rin ang …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …