Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dennis Trillo

Dennis nanibago sa pagbabalik-romance/drama

RATED R
ni Rommel Gonzales

BAGO ang Love Before Sunrise ay napanood si Dennis Trillo sa dalawang epic drama, ang Legal Wives at Maria Clara at Ibarra at sa fantasy series na Voltes V: Legacy.

Kumusta ang adjustment niya ngayong nagbalik siya sa romance/heavy drama genre?

Medyo nakakapanibago dahil ‘yung ginampanan ko noon mga lumang tao, sobrang diretso, malinaw siyang magsalita, maayos ‘yung itsura niya, laging nakaayos ‘yung buhok niya.

“So rito naman mapapanood nila malayong-malayo naman, magulo ‘yung buhay niyong tao, ‘yung character ko, si Atom.

“‘Yung buhok niya magulo, ‘yung itsura niya, ‘yung buhay niya, and hindi siya ganoon kagaling dumiskarte sa buhay, so iyon ‘yung difference,” pahayag ni Dennis na kaka-renew muli ng kontrata bilang Kapuso sa loob ng 20 taon.

Kung si Dennis ang nasa katayuan ni Atom (na karakter niya sa Love Before Sunrise) at makikita muli ang dati niyang karelasyon at may muling mabubuhay na romansa, ano ang gagawin niya?

Well, ako siguro unang tatanungin ko kung magkita man ulit, ‘di ba, matagal na magkasintahan, tapos mayroon na kaming kanya-kanyang mga personal na buhay, siguro tatanungin ko kung worth it pa ba kung iri-risk ko ‘to?

“Kung talagang mahal ko talaga siguro siya, kung iyon ‘yung magpapaligaya sa akin, baka try ko, pero kung hindi naman, kung magiging sakit lang siya sa ulo, hindi ko na lang gagawin, ‘di ba.”

Si Bea Alonzo (Stella) ang leading lady ni Dennis.

Mula sa GMA at VIU Philippines napapanood ito sa GMA Telebabad Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. Ito ay idinirehe ni Mark Sicat Dela Cruz at associate director si Carlo Cannu.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …