Sunday , December 22 2024
Ruru Madrid Yassi Pressman Unang Hirit 

Ruru at Yassi nakigulo sa UH

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAG-ENJOY ang Black Rider lead stars na sina Ruru Madrid at Yassi Pressman sa pagbisita sa bagong studio set ng Unang Hirit noong Lunes (Oct. 9).

World-class ang bagong tahanan ng UH na may 360-degree rotating platform, LED video walls, at interactive monitor. Ang Emmy-award winner at U.S.-based company na FX Design Group lang naman ang nagdisenyo. 

Naki-TikTok pa sa set sina Ruru at Yassi kasama sina Morning Oppa Kaloy Tingcungco at Morning Sunshine Shaira Diaz. Hindi na nga siguro sila makapaghintay na mapanood si Ruru sa pagbabalik niya sa primetime. Trailer at BTS pa lang, makikita mo na na maaksiyon talaga ang bagong serye. Mga bigating action stars din mula sa iba’t ibang henerasyon ang makakasama niya.

Excited na rin tiyak ang fans ni Yasssi na mapanood siya sa isang action series. Star-studded talaga ang serye na bukod kina Kylie Padilla, Matteo Guidicelli, at Katrina Halili ay kabilang din sina Jon Lucas, Rainier Castillo,  Zoren Legaspi, Gladys Reyes, Empoy, Jayson Gainza, Janus del Prado, Isko Moreno, Joaquin Domagoso at marami pang iba.

About Rommel Gonzales

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …