Tuesday , November 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lotlot de Leon, Charlie Dizon, Jameson Blake Rico Barrera Ang Ina Mo

Lotlot at Charlie, nagtagisan ng husay sa pelikulang Ang Ina Mo

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAGKAROON ng press preview kamakailan ang pelikulang Ang Ina Mo na tinatampukan nina Lotlot de Leon, Charlie Dizon, Jameson Blake, at Rico Barrera.

Kasama rin sa pelikula sina Krista Miller, Yda Manzano, Jim Pebanco, Dorothy Gilmore, Mark Dionisio, Paolo Rivero, Hazel Espinoza, Jay Garcia, at iba pa.

Dito’y nagtagisan ng husay sa pag-arte sina Lotlot at Charlie.

Magnanay ang dalawa sa pelikula at matagal nang biyuda si Lotlot na ang ikinabubuhay ay ang pagiging isang labandera. Samantala, graduating student naman si Charlie. Mahusay din ang ibinigay na support dito nina Jameson bilang BF ni Charlie, at Rico, na siguradong kaiinisan ng viewers sa papel na walang silbing lover ni Lotlot. 

Anyway, ang main conflict ng pelikula ay ang live-in ng nanay ni Charlie na si Rico, na bukod sa batugan ay may mga lihim na itinatago. 

Makikita sa pelikula ang kakaibang pagmamahal at sakripisyo ng isang ina sa kanyang anak, sa kabila ng kanyang kahinaan dahil muli siyang nagmahal matapos mabiyuda nang matagal.

Written by Eric Ramos and directed by Joel Lamangan, ang executive producer dito ay ang 4Blues Productions Incorporated in cooperation with LDG Productions ni Lito de Guzman.

Kabilang ang Ang Ina Mo sa mga pelikulang isinumite sa Metro Manila Film Festival 2023 at umaasa ang mga nasa likod ng nasabing pelikula na papalarin silang makapasok sa annual December filmfest. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kiray hihinto muna sa pag-aartista, tutukan nalalapit na kasal at negosyo

MATABILni John Fontanilla PANSAMANTALANG hihinto muna sa pag-aartista si Kiray Celis para mag-focus sa kanyang negosyo, ang …

Nadine Lustre Sierra Madre

Nadine trending sa mala-Sierra Madre photo shoot

MATABILni John Fontanilla VIRAL ngayon sa social media ang mga litrato ni Nadine Lustre na inihahalintulad ito …

Miguel Tanfelix FIberBlaze internet

Miguel nahihilig sa solo backpacker

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOLO backpacker ang peg ni Miguel Tanfelix ngayong ini-enjoy niya ang pag-aabroad. “Mas …

Angeline Quinto Ang Happy Homes ni Diane Hilario

Angeline pinasok pagpo-produce ng pelikula

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UY producer na rin ngayon si Angeline Quinto. Sa pagdiriwang ng kanyang …

NCCA National Artists

Vilmanian may panawagan sa NCCA 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BINIGYAN kami ng kopya ng mga kapwa Vilmanian ng naging sulat-panawagan nila sa NCCA at CCP …