Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jessica Soho Ryu Seung Ryong Lim Ji Lee Jung Ha Karishma Tanna

Jessica Soho nakasama ang mga K-drama stars

RATED R
ni Rommel Gonzales

LUMIPAD ang Kapuso Mo, Jessica Soho sa South Korea para umattend sa Asia Contents Awards and Global OTT Awards sa Busan noong Linggo at dito nga ay na-meet ng host nitong si Jessica Soho ang ilan sa mga sikat ngayong K-drama stars.

Ang Kapuso Mo, Jessica Soho ay nominado sa Best Reality and Variety category para sa  Sugat ng PangungulilaKMJS ang nag-iisang Filipino program na nominated sa nasabing category at lumaban sa six entries mula Korea at Vietnam.

Dito nakilala ni Jessica sina Lim Ji Yeon, na nagwaging Best Supporting Actress sa Netflix series na The Glorypati na sina Moving stars Ryu Seung Ryong at Lee Jung Ha, na nagwaging Best Lead Actor at Best Newcomer Actor. May picture rin sa red carpet si Jessica kasama ang Best Lead Actress na si Karishma Tanna mula sa series na Scoop at ang kapwa Pinoy na si Arjo Atayde na nominated naman as Best Lead Actor.

Sa dami na ng award na napanalunan ng KMJS at ni Jessica sa iba’t ibang bansa, patuloy pa rin ang blessings na natatanggap ng show at ng Kapuso broadcast journalist. 

Congratulations, KMJS at Jessica.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …