Sunday , December 22 2024
Benz Llavore, ipinagmamalaki ang Boses at Aral concert sa Music Museum

Benz Llavore, ipinagmamalaki ang Boses at Aral concert sa Music Museum

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

KAABANG-ABANGang gaganaping concert na Boses at Aral sa Music Museum sa Oct. 28, 7pm.

Ito’y hatid ng Llavore Music Production ni Benz Llavore. Ito rin ang kauna-unahang pagsabak nila sa ganito kalaking concert.

Sa ginanap na press conference nito last Saturday, nagpa-sample ng husay ang ilan sa mga tampok na singers sa Boses at Aral concert.

Kabilang sa mapapanood sina Daryll Tamayo, Arch Lopez, Yen Victoria, Carlo Legaspi bilang main artists dito. Front act naman sina Lovern Apa, Jancy Tamares, JP Morales, Rommel Icban, Senyong T, at Jove Evangelio.

Si John Sandoval ang stage at musical director ng Boses at Aral at si DJ Josa naman ang isa sa producer at host dito.

Inusisa namin si Benz kung bakit Boses at Aral ang title ng concert?

Esplika niya, “Ang Boses at Aral po ay isang awiting aking nilikha patungkol po ito sa iba’t ibang kuwento ng ating buhay. It’s all about dream, hope, and love.

“Gusto ko po kasi na itong Boses at Aral na hindi lang po isalaysay ang iba’t ibang klase ng buhay na nangyayari sa ating paligid, kundi magbibigay ng iba’t ibang aral sa pamamagitan ng musika na aking gawa.”

Ano ang dapat i-expect sa Music Museum sa araw ng concert?

Tugon ni Benz, “Pinagsama-sama ko po rito ang magagaling na artist ng Llavore Music, iba’t ibang klase ng tinig ang inyong maririnig. At ang talagang ipinagmamalaki ko po ay iparinig sa inyo ang aking komposisyon, 40 actually na original songs na gawa ko ang maririnig dito. Bale 100 songs na po ang nagawa ko.”

Nabanggit din niya ang kanyang advocacy. 

Aniya, “Ang advocacy ko talaga ay ang makatulong sa mga baguhan na singer, na hindi napapansin sa music industry, na mayroon naman talagang maipagmamalaki at hindi matatawarang kakayahan. Kasi ‘yung mga talents na ito, may mga boses talaga sila at sayang naman kung hindi mo pagkakatiwalaan at bibigyan ng pagkakataon na ipakita sa mga tao ang kanilang talento.”

Si Benz ay tubong La Union, 40 years old, 16 years na siyang naka-base sa Canada, at sila’y biniyayaan ng tatlong anak ng kanyang maybahay.

Sa October 30 ay tatanggap si Benz ng award sa Fukuoka, Japan bilang Composer of The Year sa World Class Awards.

About Nonie Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …