RATED R
ni Rommel Gonzales
GOOD news sa mga tumututok sa bagong news and infotainment program na Balita Ko dahil simula Oktubre 9, mapapanood na ng 10:30 a.m. sa GTV. Mas pinalakas pa ang morning news block ng GMA Integrated News sa GTV dahil mapapanood din ito after ng Regional TV News ng 10:00 a.m..
Hatid ng mga award-winning at seasoned journalists na sina Connie Sison at Raffy Tima hindi lamang ang mga bagong balita at update, kundi pati na rin ng mga sariwang segment na tumatalakay sa mga paksang malapit sa puso ng mga Filipino.
Kasama nila si Katrina Son para sa lagay ng panahon habang si Aubrey Carampel ang maghahatid ng latest entertainment news and features sa “Mare, Ano’ng Latest?” Mga karaniwang problema sa barangay at ang pagresolba naman sa mga ito ang hatid ni Susan Enriquez sa kanyang segment na “Susan, Patulong Naman!”