Friday , November 15 2024
3,000 Bulakenyo, tumanggap ng sako-sakong bigas sa DSWD

3,000 Bulakenyo, tumanggap ng sako-sakong bigas sa DSWD

LUNGSOD NG MALOLOS – Upang mapakinabangan ang mga nakompiskang sako ng bigas, ipinamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pangunguna ni Secretary Rex Gatchalian ang 3,000 sako ng bigas na 25 kilo bawat isa sa mga Bulakenyong miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at indigent population kahapon.

Ang mga tumanggap ay mula sa mga munisipalidad ng Calumpit, Paombong, at Obando na may tig 1,000 benepisaryo bawat bayan.

Ayon kay Gatchalian, ang mga ipinamahaging ng bigas ay parte ng 42,180 sako ng ipinuslit na bigas na kinompiska ng Bureau of Customs (BoC) mula sa isang warehouse sa Brgy. Baliwasan, Lungsod ng Zamboanga na kalaunan ay ipinagkaloob sa DSWD.

“Kung may napapaulat ho na may tumataas na bilihin o tumataas ang presyo ng bigas, hindi po iyon dahil sa supply, kundi dahil po may masasamang loob na talagang minamanipula ang presyo at nagho-hoard ng bigas. Kaya’t ang assurance ng ating Pangulo lalong-lalo na sa ating mga 4Ps beneficiaries, huwag kayong mag-alala dahil hindi ho siya titigil na habulin ‘tong mga hoarders na ‘to o ang masasamang loob na ‘to at iko-confiscate iyong kanilang mga bigas,” ani Gatchalian.

Sa ngalan ni Gobernador Daniel R. Fernando, sinabi ni Panlalawigang Tagapangasiwa Antonette V. Constantino, ang pag-unlad ng ekonomiya ay ang pundasyon ng pangmatagalang progreso ng Filipinas.

“Sa ating pagbuo ng isang matatag na bansa, kinakailangan natin pagtuunan ng pansin ang maagap na pagtugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan. Sa pagkakaroon natin ng kasapatan sa pagkain, ligtas na pamayanan at kalinangang pangkabuhayan mag-uugat ang pangmatagalang pagsulong ng ating bansang Filipinas,” ani Constantino. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …