INARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang kilalang aktor sa kasong syndicated estafa, nitong Oktubre 7, 2023, sa Caloocan City.
Sa ulat kay QCPD Director, PBrig. Redrico Maranan mula kay PMaj. Don Don Llapitan, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ang nadakip ay nakilalang si Ricardo Cepeda (screen name), habang ang tunay na pangakan ay Richard Cesar Go, 58, at residente ng San Antonio St., Pasig City.
Ayon kay Llapitan, si Go ay dinakip dakong 11:00 ng umaga nitong nakaraang Sabado sa 101, Mabini St, Maypajo, Caloocan City. Siya ay inaresto sabi ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Gemma P Bucayu-Madrid, Executive Judge ng Branch 12, Regional Trial Court (RTC) Sanchez Mira, Cagayan.
Ayon kay Llapitan, nakatakda nila ipaalam sa nabanggit na korte ang pagkakaaresto kay Go.
“Patuloy din po ang inyong kapulisan sa paghahanap sa mga wanted persons para ma siguro ang kaligtasan ng bawat isang mamamayan,” pahayag ni Maranan. (ALMAR DANGUILAN)